CMG Komentaryo: Mga talumpati ng Pangulong Tsino, nagbigay ng patnubay sa rekonstruksyon ng daigdig pagkatapos ng pandemiya

2020-11-24 14:16:29  CMG
Share with:

Mula noong ika-17 hanggang ika-22 ng Nobyembre, 2020, sunud-sunod na dumalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-12 Summit ng BRICS (Brazil, Rusya, India, China at South Africa), Ika-27 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting, at Ika-15 G20 Summit. Ang kanyang mga talumpati sa nasabing mga pulong ay nagpatnubay ng direksyon para sa paghulagpos ng buong mundo sa kasalukuyang krisis at rekonstruksyon pagkatapos ng pandemiya.
 

Bilang bansang naunang nagpanumbalik ng trabaho’t produksyon, iniharap ng panig Tsino ang “bukas, may inobasyon, inklusibo at berdeng” planong package deal sa pagpapasulong sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
 

Sa kalagayan ng pandemiya ng COVID-19, pumasok sa masusing panahon ng pagbabago ang global economic governance. Sa G20 Summit, ibayo pang ipinagdiinan ni Xi ang paggigiit sa multilateralismo, pagbubukas, pagbibigayan, mutuwal na kapakinabangan, kooperasyon at pagsulong kasabay ng tunguhin ng panahon. Aniya, dapat buong tatag na pangalagaan ang multilateral na sistemang pangkalakalan, at pahalagahan ang pangangasiwa sa digital na larangan.
 

Sa pamamagitan ng nasabing tatlong summit, malinaw na idineklara ng Pangulong Tsino na hinding hindi hahanapin ng Tsina ang decoupling, o bubuuin ang sarado’t nagtatanging alyansa.
 

Salin: Vera

Please select the login method