Inilabas ng Tsina nitong nagdaang Linggo, Pebrero 21, 2021, ang tinatawag na "No. 1 Central Document" para sa taong 2021, na nagpapahalaga sa komprehensibong pagpapasigla ng kanayunan at modernisasyon ng agrikultura.
“No. 1 Central Document”
Bilang unang pahayag na pampatakaran ng pamahalaang Tsino bawat taon, itinuturing ang naturang dokumento bilang palatandaan ng priyoridad ng mga pambansang patakaran ng Tsina. Labingwalong (18) taong singkad na nakatutok ang pambansang kaunlaran sa mga magsasaka, kanayunan at agrikultura.
Sakahan sa Shuibei Town, Yushui District, Xinyu City, Jiangxi Province, sa dakong silangan ng Tsina, Setyembre 2, 2019. /CFP
Napakahalaga rin ng "No. 1 Central Document" para sa taong 2021 dahil ngayong taon ay unang taon ng Ika-14 na Panlimahang Taong Plano ng Tsina (2021-2025).
Kaugnay nito, inihandog ng Konseho ng Estado, gabinete ng Tsina, ang isang may kinalamang preskon nitong Lunes.
Mga natamong bunga sa Ika-13 Panlimahang Taong Plano (2016-2020)
Hanggang taong 2020, anim na taong tuluy-tuloy na nanatiling 650 milyong tonelada ang pambansang taunang output ng pagkaing-butil ng Tsina. Kasabay nito, ang lahat ng mga natirang mahihirap na mamamayang Tsino sa kanayunan ang nakaahon sa karalitaan, at nasugpo sa bansa ang ganap na kahirapan o absolute poverty at kahirapang panrehiyon o region-wide poverty.
Ito ang sinabi ni Tang Renjian, Minisitro ng Agrukultura at Mga Suliraning Rural ng Tsina, sa pagsipi sa nabanggit na dokumento sa preskon.
Food security, napakahalaga
“Para sa Tsina, isang malaking bansang may populasyong 1.4 na bilyon, pangmatagalang tema ang pagtiyak ng food security,” diin ni Tang.
Upang siguraduhin ang seguridad ng suplay ng pagkain, pinahahalagahan aniya ng Tsina ang proteksyon sa sakahan at kaunlaran ng mga teknolohiya ng pagsasaka.
Anihan sa Heihe City, Heilongjiang Province, sa dakong hilaga-silangan ng Tsina, Setyembre 30, 2020. /CFP
Pananatilihin ng Tsina ang red line ng 1.8 milyong mu (120 milyong hektarya) na masasakang lupa o arable land at 1.55 bilyong mu ng sakahan na pangunahing tinatamnan ng pagkaing-butil, gulay at prutas, dagdag pa ni Tang.
Bukod sa bilang ng mga pananim, karapat-dapat na pahalagahan ang kalidad at pagkakaiba ng pagkain-butil, gulay at prutas, para matugunan ang pangangailangan ng merkada, mapataas ang kita ng mga magsasaka, at mapasulong ang episiyensyang agrikultural.
Industriya ng binhi
Ang industriya ng binhi ay ang pundasyon ng modernisasyon ng pagbubukid.
Ito ang saad ni Zhang Taolin, Pangalawang Ministro ng Agrikultura at Mga Suliraning Rural sa nabanggit na preskon.
Dalawang uri ng binhi ng hybrid high-yield rice na nakatanghal sa isang eksibisyon sa Shanghai, Tsina, Mayo 10, 2018. /CFP
Sinabi ni Zhang, kung ihahambing sa mga bansang sulong sa agrikultura, malaki pa rin ang kakulangan ng Tsina sa industriya ng binhi. Halimbawa, ang output bawat hektarya ng soybean at mais ay 60% lamang ng sa Amerika.
Ito ang dahilan na nakasaad sa“No.1 Central Cocument”ang pangangailangan ng pagpapabilis ng pagtatag ng sistemang pang-inobasyon para sa industriya ng binhi ng Tsina, dagdag ni Zhang.
Salin: Jade
Pulido: Mac