Walang humpay na sumisidhi kamakailan ang kalagayan sa silangang Ukraine. Madalas na nakikita ang manipulasyon ng Amerika dito. Sinabi ng panig militar ng Amerika na idedeploy ang mga bapor na pandigma sa rehiyon ng Black Sea. Samantala, isinagawa ng ilang mataas na opisyal na gaya ng pangulo at kalihim ng estado ng Amerika ang madalas na pakikipag-ugnayan sa panig Ukrainian.
Sa ilalim ng paulit-ulit na pakikialam ng Amerika, nahaharap ang Ukraine sa panganib ng pagsadlak sa malawakang sagupaang militar. At ito ay isa sa nakararaming halimbawa ng panggugulo ng Amerika sa kapayapaan ng daigdig, sa ngalan ng demokrasya.
Ayon sa isang ulat na inilabas kamakailan ng China Society for Human Rights Studies, sapul nang World War II, halos lahat ng mga pangulong Amerikano ang naglunsad o nakisangkot minsan sa mga digmaang panlabas sa loob ng kani-kanilang termino.
Ipinakikita ng di-kompletong datos na matapos ang World War II hanggang noong 2001, kabilang sa 248 armadong sagupaan sa 153 rehiyon ng daigdig, 201 ang inilunsad ng Amerika, at ito ay katumbas ng 81% ng kabuuang bilang.
Maraming sundalo ang nagsakripisyo ng sariling buhay sa nasabing mga digmaan, at napakalubha rin ng kasuwalti ng mga sibilyan at kapinsalaan sa ari-arian. Kasindak-sindak ang humanitarian tragedy na ibinunga nito.
Upang gawing lehitimo ang mga aksyong mapanalakay nito, niluto ng Amerika ang mga katwirang gaya ng “mas mahalaga ang karapatang pantao kaysa soberanya,” “makataong pakikialam” at iba pa. Subalit hinding hindi ikinukubli ang masamang tangka at malungkot na bunga nito.
Ang paggamit ng Amerika ng sandatahang lakas, sa kabila ng mga masamang resulta ay nagpapakita ng kaisipang hegemonistikong at unilateral nito. Ang ipinapakalat nito ay kaguluhan at digmaan, sa halip ng demokrasya.
Salin: Vera
Pulido: Mac
Magkasanib na ensayong militar ng Pilipinas at Amerika, sinimulan
Artikulo ng CSHRS: Malubhang kapahamakan sa sangkatauhan, idinulot ng digmaan ng Amerika
Tsina sa Amerika, dapat lubos na alamin ang mataas na sensitibidad ng isyu ng Taiwan
CMG Komentaryo: Demokratikong alyansa na pinipilit itayo ng panig Amerikano, isang katatawanan