Artikulo ng CSHRS: Malubhang kapahamakan sa sangkatauhan, idinulot ng digmaan ng Amerika

2021-04-09 13:58:14  CMG
Share with:

Ipinalabas Biyernes, Abril 9, 2021 ng China Society for Human Rights Studies (CSHRS) ang isang artikulong pinamagatang “Ang mga mapanalakay na digmaan ng Amerika sa ibang bansa ay nagdudulot ng malubhang makataong kapahamakan” kung saan naibunyag ang masamang kilos ng Amerika ng paggamit ng dahas dahil umano sa  katuwiran ng pangangalaga sa “karapatang pantao.”

 

Tinukoy nito na ang mga digmaan na inilunsad ng Amerika sa ibang bansa ay hindi lamang sanhi ng pagkamatay ng buhay ng napakaraming sundalo, kundi nagdulot ng napakalubhang kasuwalti ng mga sibilyan at kapinsalaan ng ari-arian, at grabeng makataong kapahamakan.

 

Inilista ng artikulo ang isang serye ng mapanalakay na digmaang inilunsad ng Amerika pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII).

 

Anito, ayon sa di-kumpletong estadistika, mula pagtatapos ng WWII hanggang noong 2001, sa 248 sandatahang sagupaang naganap sa 153 rehiyon sa buong daigdig, 201 sa mga ito ang inilunsad ng Amerika.

 

Bukod dito, sa mga pormang gaya ng pagsuporta sa proxy war, pagsusulsol sa panloob na paghihimagsik at asasinasyon, pagkakaloob ng armas, at pagsasanay ng mga armadong lakas na kontra-pamahalaan, madalas na nanghihimasok ang Amerika sa mga suliraning panloob ng mga ibang bansa, bagay na nagdudulot ng grabeng kapinsalaan sa katahimikang panlipunan at kaligtasan ng mga mamamayan ng mga kaukulang bansa.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method