Ayon sa estadistikang inilabas ngayong araw, Lunes, ika-7 ng Disyembre 2020, ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, mahigit sa 29 na trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng bansa mula Enero hanggang Nobyembre ng taong ito.
Lumaki ito ng 1.8% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Matatandaang mula Enero hanggang Oktubre, lumaki ng 1.1% ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina.
Ipinakikita ng kasalukuyang 1.8% na paglaki ang tuluy-tuloy na pagbuti at mabilis na paglaki ng kalakalang panlabas ng bansa.
Makakatulong din ito sa pagpapatatag ng pandaigdigang industrial chain at supply chain.
Salin: Liu Kai