CMG Komentaryo: Makatarungang puwersang pandaigdig sa isyu ng Xinjiang, walang humpay na lumalakas

2021-04-15 15:48:25  CMG
Share with:

Nagpunta kamakailan ang isang Israeli v-bloger na si Raz Galor sa Shaya, Aksu Prefecture ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Uygur ng Xinjiang, Tsina, kung saan naranasan niya kung paano magtanim ng bulak sa pamamagitan ng makina.

 

Sa panayam ng China Media Group (CMG), sinabi ni Raz Galor na ang kanyang pinakamalalim na impresyon sa naturang biyahe ay,  pagiging normal ang lahat,  at walang-sawang pagpupunyagi ng mga mamamayang lokal para abutin ang kanilang mga pangarap.

 

Samantala, sa may 40-pahinang ulat na pinamagatang “Xinjiang: Hanggahan sa Gawing Kanluran ng Tsinang nasa Sentro ng Kontinenteng Eurasyano,” na inilathala sa website ng Australian Citizens Party, detalyadong ibinunyag na suportado ng mga bansang Kanluraning gaya ng Amerika at Britanya ang separatismo at terorismo sa Xinjiang.

Layon nitong sirain ang katatagan at pigilan ang pag-unlad ng Tsina, dagdag ng nasabing ulat.

 

Sa kabilang dako, nitong ilang taong nakalipas, natamo ng pamahalaang Tsino ang malaking tagumpay sa paglaban sa terorismo, bagay na nakapagpasidhi ng pag-a-alala ng mga politikong kontra sa Tsina.

 

Bilang tugon, kinontrol nila ang ilang organo para iluto ang napakaraming kasinungalingan tungkol sa Xinjiang, na siya namang ikinalat ilang mediang Kanluranin sa buong daigdig.

 

Kaugnay nito, naglabas kamakailan ng nakakatawang ulat ang umanoy’ “Xinjiang Data Project” na itintatag ng Australian Strategic Policy Institute (ASPI).

 

Ayon dito, napakarami ang bagong tayong  “kulungan” sa iba’t-ibang lugar sa Xinjiang.

 

Ngunit ayon mismo sa isinapubliko nitong impormasyon tungkol sa lokasyon ng nasabing di-umano’y mga kulungan, 90% ay mga pampublikong institusyon, ospital, pabahay, at tindahan.

 

Sa katotohanan, para sa mga bansang Kanluranin, mistulang bukas na sektor ang pagsasabwatan ng iba’t-ibang panig kontra sa Tsina.

 

Ilang araw lamang ang nakararaan, lumabas ang isang Xinjiang-related interview video ni Sibel Edmonds, dating tagasalin ng Federal Bureau of Investigation (FBI).

 

Sa video, tahasang ipinahayag ni Edmonds, na plano ng Amerika na gayahin ang estratehiyang ginamit nito laban sa Afghanistan, Ukraine, at Iraq para guluhin ang Xinjiang ng Tsina.

 

Samantala, patuloy namang lumalakas ang makatarungang puwersang pandaigdig.

 

Dahil sa puwersang ito, tiyak na mabibigo ang mga kasinungalingan ng mga politikong Kanluranin kontra sa Tsina.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method