Sinabi nitong Miyerkules, Abril 14, 2021 ni Pangulong Mohammad Ashraf Ghani ng Afghanistan na iginagalang ng kanyang pamahalaan ang kapasiyahan ng Amerika hinggil sa pagpapaurong ng tropang Amerikano mula sa Afghanistan bago Setyembre 11.
Saad ni Ghani, naka-usap niya sa telepono si Pangulong Joe Biden ng Amerika nang araw ring iyon at tinalakay nila ang hinggil sa nasabing kapasiyahan.
Aniya, patuloy na makikipagkooperasyon ang kanyang pamahalaan sa Amerika at North Atlantic Treaty Organization (NATO), sa prosesong pangkapayapaan ng Afghanistan.
May kakayahan ang tropang pandepensa at panseguridad ng Afghanistan na ipagtanggol ang sariling bansa at mamamayan, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Rhio