Opisyal na pina-iral ngayong araw, Huwebes, Abril 15, 2021 ang Biosecurity Law ng Tsina.
Pinatibay noong Oktubre 17, 2020, ang batas, layon nitong pangalagaan ang mga mamamayan laban sa mga bantang dulot ng epidemiya at ibang mga aspekto ng biosecurity.
Ang konsepto ng "biosecurity" ay hindi masyadong pamilyar sa publikong Tsino bago maganap ang epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Maaaring sabihin, pinabilis ng epidemiya ang lehislasyon ng batas na ito, at dahil din sa epidemiya, nagiging mas mahalaga ang batas.
Ang unang bantang tinutugon ng batas ay mga pangunahing nakakahawang sakit, kabilang ang pagpigil at pagkontrol sa mga epidemya mula sa mga hayop.
Pero sumasaklaw ang batas sa malawak na mga aspekto, at ang esensiya nito ay pagtuturing ng biosecurity bilang isang mahalagang elemento sa pambansang seguridad.
Nauna rito, sa pulong kasama ng liderato ng bansa na ginanap noong Pebrero 14, 2020, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na mahalaga ang biosafety at biosecurity para sa kalusugan ng mga tao, pambansang seguridad at pangmatagalang katatagan ng bansa, at dapat isama ang mga ito sa sistema ng pambansang seguridad.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan sa pagbuo ng sistematikong plano sa pagpigil at pagkontrol sa mga bantang may kinalaman sa biosecurity, at pagpapalakas ng kakayahan sa pamamahala sa aspektong ito.
Hiniling din niyang pabilisin ang lehislasyon ng biosecurity law, para buuin ang sistemang pambatas at institusyonal na balangkas sa aspekto ng biosafety at biosecurity.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan