Abril 20 nagsimula ngayong taon ang Grain Rain o Guyu, ika-6 sa 24 na solar term ng Nong Li o Tradisyunal na Kalendaryong Tsino.
Tatagal ito hanggang Mayo 4.
Tulad ng Pilipinas, ang Tsina rin ay bansang agrikultural.
Ang mga solar term ay nagsisilbing gabay ng mga magsasakang Tsino.
Ang Gu ay nangangahulungang butil at ang Yu naman ay ulan. Kaya, ang Guyu ay literal na nangangahulugang“ulang nagpapa-usbong ng mga butil.”
Sa maikling video na ito, samahan sina Mac at Vera para alamin ang iba pang katangian ng Guyu, masdan ang magandang tanawin, at alamin ang mga halamang-gamot na ikinabubuhay ng mga magsasaka sa Nayong Pingdi, Daxing District, Beijing, Tsina.
Script: Jade/Mac
Video-edit: Vera
Video-shooting: Jade
Web-edit: Jade
Espesyal na pasasalamat kay Liu Kai