Pitong taon nang nagtatrabaho sa Wuhan, Tsina si Chai Roxas. Assistant Manager siya sa trading company na Wuhan Wong Xing Gong Hui.
Sa kasagsagan ng outbreak ng pandemiya ng COVID-19 pinili ni Chai na manatili sa Wuhan at hindi sumama sa mga OFW na nagbalik-Pilipinas sa pamamagitan ng repatriation ng pamahalaan.
Sa okasyon ng unang anibersaryo ng pag-alis ng lockdown kontra COVID-19 sa Wuhan, kinapanayam si Chai ng Mga Pinoy sa Tsina.
Sa Wuhan Tiandi, isang sikat na landmark na idinesenyo ng mga arkitektong gumawa rin ng Shanghai Xintiandi
Isang taon mula nang matapos ang lockdown, ibinahagi ni Chai na halos normal na ang galaw ng buhay sa Wuhan. Nagbabalik na ang sigla ng pagnenegosyo. Ang kalakalan ay sumisikad na rin nang mabilis.
Fiesta Wuhan, isang pagtitipon ng mga Pinoy na ginanap nitong Abril 3, 2021.
Matatandaang Abril 8, 2020 muling binuksan ang Wuhan. 76 na araw tumagal ang lockdown na nagsimula Enero 23, 2020, sa punong lunsod ng Hubei. Tinatawag ding frontier ng labanan kontra pandemya ng COVID-19 sa Tsina ang Wuhan at Hubei.
Nagbalik-tanaw din si Chai at ikinuwento kung paano niya iniingatan ang sarili kahit lifted na ang lockdown. Nang maging kampanteng ligtas na ang lahat, una niyang tinikman ang Re Gan Mian o ang hot dry noodles na sikat na sikat sa Wuhan. Hinanap-hanap niya ang lasa ng paboritong agahan.
Ibinahagi rin niya ang kahalagahan ng disiplina, tamang impormasyon, at bayanihan bilang sandata laban sa salot.
Si Chai ang kasalukuyang Vice Chairperson ng Filipino Community (FilCom) in Wuhan. Aktibo ang grupo sa pagsuporta sa aktibidad ng pagkakawang-gawa. Kabilang dito ang proyekto ng pangangalap ng pondo para sa mga kababayang apektado ng Bagyong Ulysses sa mga lalawigang Isabela, Cagayan at Tuguegarao.
Pakinggan ang panayam ng Mga Pinoy sa Tsina kay Chai Roxas at alamin kung ano ang mensahe niya sa mga Pilipino para magtagumpay sa paglaban sa COVID-19 pandemic.
Ulat: Machelle Ramos
Content-edit: Jade/Mac
Audio-edit: Vera
Web-edit: Jade/Vera
Photo courtesy: Chai Roxas
Pagdalaw sa isang Pamilya Tsino para makisaya sa Spring Festival
Pagbabakuna sa mga dayuhang nasa Tsina, patuloy; kabilang ang estudyante't gurong Pinoy
[Video] Pagbati para sa Chinese New Year ng mga Pinoy sa Tsina
Mga kabataang Tsino, hangad na makaraos sa pandemya ang mga kaibigang Pilipino
Rafaela “Apples” Chen: Kasabay ng pag-unlad ng Pudong, umunlad din ang hospitality industry
Online platforms ng Tsina, malaking potensyal para sa EntrePinoys sa panahon ng pandemya
Raquel So: Ang Pudong ay di lamang sentrong pang-ekonomiko, ito'y sentrong kultural din ng Shanghai