Guyu, biyayang nagpapa-usbong ng mga butil ng buhay

2021-04-20 09:37:48  CMG
Share with:

Guyu, biyayang nagpapa-usbong ng mga butil ng buhay_fororder_VCG211251429745

 

Sa isang agrikultural na bansang gaya ng Pilipinas, napakahalagang papel ang ginagampanan ng ulan tungo sa maginhawang pamumuhay ng mga mamamayan.

 

Ang ulan ay isa sa mga elementong nagde-determina kung ang ani ay magiging ginintuan, na siya namang direktang kaugnay ng pagyabong ng kabuhayan ng bansa at masaganang pamumuhay ng mga tao.

 

Bilang anak ng isang magbubukid, naiintindihan ko ang walang-kapantay na halaga ng pagpatak ng ulan sa agrikultura.

 

Dahil dito, masasabing ang pagdating ng ulan, lalo na ngayong tag-init ay simbolo ng panibagong sigla at buhay para sa mga Pilipino.

 

Kagaya ng Pilipinas, ang Tsina ay isa ring tradisyunal na agrikultural na bansa; at bagong pag-asa ang dulot ng ulan para sa maraming magsasakang Tsino.

 

Sa katunayan, may matandang kasabihan sa Tsina,“Daan-daang butil ang tumutubo dahil sa ulan.”  

 

Ipinakikita ng salawikaing ito ang importansya ng tubig na kaloob ng kalikasan, sa buhay at lipunang Tsino.

 

Ang naturang kasabihan ay may kinalaman sa  Grain Rain o Guyu, ika-6 sa 24 na solar term ng Nong Li o Tradisyunal na Kalendaryong Tsino, na pumasok ngayong araw, Abril 20, at tatagal hanggang Mayo 4. 

 

Ang Guyu ay huling solar term ng Tagsibol.

 

Ang Gu ay nangangahulugang butil at ang Yu naman ay ulan. Kaya, ang Guyu ay literal na nangangahulugang “ulang nagpapa-usbong ng mga butil,” at kagaya ng kahulugan nito, ang panahon ng Guyu ay napakahalagang kabanata para sa mga gawaing agrikultural.

 

Dagdag pa riyan, karaniwan ding makikita tuwing Guyu ang pagbagsak sa lupa ng mga talulot ng cherry blossom, paghuni ng mga ibong cuckoo, paglipad sa hangin ng mga catkin mula sa puno ng willow, pamumukadkad ng mga bulaklak ng peony, at paghinog ng mga sirwelas o Chinese plum – mga pahiwatig na magtatapos na ang Tagsibol at nalalapit na ang Tag-init.

 

Para sa artikulong ito, hayaan ninyong ihandog ko sa inyo ang iba’t-ibang interesanteng kaalaman, kagawian, pagkain at inumin tungkol sa Guyu, ulan na nagdadala ng panibagong buhay.

 

Guyu, biyayang nagpapa-usbong ng mga butil ng buhay_fororder_VCG211203873075

 

Ginintuang panahon ng kabukiran

 

Sa pagdating ng Guyu, umiinit ang klima, nagiging basa ng hangin, at bumabagsak ang ulan.

 

Ito ay napaka-inam na panahon upang palaguin ang mga butil ng palay, mais, bulak at iba pang pananim.  

 

Dahil dito, abala ang kabukiran sa panahon ng Guyu.

 

Sa kabilang dako, kasabay ng pagdating ng ulan, dumarating din ang mga pesteng insekto: kaya naman, itinuturing din ng mga magsasakang Tsino ang Guyu bilang hudyat upang puksain ang mga pesteng naninira ng pananim.

 

May isang kasabihang Tsino, “Kung hindi kayo nagtanim ng bulaklak sa panahon ng Guyu, mukhang may talangkang gumagapang sa inyong puso.”

 

Ibig sabihin, kung kayo ay nagpabaya at hinayaan ninyong lumipas lamang ang Guyu, kayo ay magsisisi.

 

Pagkain ng Chinese Toon

 

Guyu, biyayang nagpapa-usbong ng mga butil ng buhay_fororder_VCG111326250410

 

Ang pagkain ay bahagi ng hibla ng kulturang Tsino, at makikita ang halaga nito sa bawat pestibal o anumang okasyon sa Tsina – ang Guyu ay hindi eksepsyon dito.

 

Ang Chinese Toon o Chinese Mahogany (toona sinensis) ay isang masarap at nakapanahong halaman na kadalasang kinakain ng mga Tsino tuwing Guyu.

Guyu, biyayang nagpapa-usbong ng mga butil ng buhay_fororder_1164436324933697720

 

Ang mga talbos nito ay hindi lamang malambot at malinamnam, kundi masustansiya rin at nagpapalakas ng immune system.

 

Karaniwan itong niluluto kasama ang iba pang rekadong tulad ng itlog at tokwa.

 

Kaugnay nito, isang tradisyonal na malamig na putahe o cold dish ang kadalasang inihahain sa hapag-kainang Tsino tuwing Guyu, at ito ang Stirred Tofu with Chinese Toon.

 

Guyu, biyayang nagpapa-usbong ng mga butil ng buhay_fororder_911051722809671724

 

Ang kailangan lang ay sariwang tofu at bagong pitas na Chinese Toon. 

 

Madali lang itong gawin! Paano?

 

Narito ang paraan ng paggawa:

 

Guyu, biyayang nagpapa-usbong ng mga butil ng buhay_fororder_微信截图_20210421093600

 

· Hiwain ang tofu sa porma ng cube at banlian ng mainit na tubig sa loob ng mga 2 minuto para mawala ang amoy ng hilaw na soybean;

 

Guyu, biyayang nagpapa-usbong ng mga butil ng buhay_fororder_微信截图_20210421093707

Guyu, biyayang nagpapa-usbong ng mga butil ng buhay_fororder_微信截图_20210421093747

 

· Alisin ang natitirang tubig;

 

Guyu, biyayang nagpapa-usbong ng mga butil ng buhay_fororder_微信截图_20210421093924

 

· Banlian din ng mainit na tubig ang Chinese Toon sa loob ng mga 10 segundo upang bahagyang lumambot;

 

Guyu, biyayang nagpapa-usbong ng mga butil ng buhay_fororder_微信截图_20210421093956_副本

 

· Alisin ang natitirang tubig; 

 

· Gayatin ang Chinese Toon, lagyan ng asin, sesame oil at mantika ng scallion, at ilagay sa malaking sisidlan;

 

Guyu, biyayang nagpapa-usbong ng mga butil ng buhay_fororder_微信截图_20210421094015

 

· Ilagay ang tofu at ihalong mabuti gamit ang isang kutsara hanggang ang lahat ng rekado ay madurog at magmistulang masa;

 

· Gamit ang kutsara, gumawa ng maliliit na partisyon;

 

Guyu, biyayang nagpapa-usbong ng mga butil ng buhay_fororder_微信截图_20210421094124

 

· Namnamin ang lasa!

 

Pag-inom ng tsaa

Guyu, biyayang nagpapa-usbong ng mga butil ng buhay_fororder_VCG211318800519

 

Sa araw ng pagdating ng Guyu, kaugalian na sa maraming lugar ng Tsina ang pamimitas ng mga dahon ng halamang tsaa upang lutuin at gawing inumin.

 

Guyu, biyayang nagpapa-usbong ng mga butil ng buhay_fororder_VCG211128391451

 

Ang tsaang ito, na tinatawag na Grain Rain Tea, o Mid-spring Tea ay mayaman sa bitamina at amino acid, at pinaniniwalaang nag-aalis ng sobrang init sa katawan, nakakabuti sa paningin, at umaakit ng suwerte.

 

Kilala ang tsaang ito sa pagiging sariwa.

 

Pagmamasid sa mga namumukadkad na peony

 

 

 

Guyu, biyayang nagpapa-usbong ng mga butil ng buhay_fororder_VCG111326403914

 

Ang peony ay tinaguriang“bulaklak ng Guyu.” Kaya, sa panahong ito, ang pagmamasid at paghanga sa mga namumukadkad na peony ay isang napakahalagang libangan ng mga Tsino.

 

Maraming lugar sa Tsina ang kilala sa kani-kanilang peony na gaya ng Lunsod Luoyang ng Lalawigang Henan, Lunsod Heze ng Lalawigang Shandong, at Lunsod Pengzhou ng Lalawigang Sichuan.

 

Guyu, biyayang nagpapa-usbong ng mga butil ng buhay_fororder_VCG111326403903

Guyu, biyayang nagpapa-usbong ng mga butil ng buhay_fororder_VCG111326386670

 

Sa panahon ng Guyu, kadalasang nagdaraos ng Pestibal ng Peony ang nasabing mga lugar para istimahin ang mga turista.

 

Pestibal ng mga Mangingisdang Tsino

 

Nagsimula humigit-kumulang 2,000 taon na ang nakakaraan, ang Pestibal ng mga Mangingisdang Tsino, na ginagawa sa panahon ng Guyu ay nagpapakita ng matandang kultura ng pangingisda ng bansa.

 

Idinaraos ng mga mangingisdang ang mga seremonya upang ipagdasal sa “diyos ng karagatan” ang kanilang ligtas na pagbabalik at mabuting huli.

 

At para matupad ang mga hiling, iba’t-ibang alay ang kanilang ibinibigay. 

 

Artikulo: Rhio Zablan

Content-edit: Jade/Rhio

Web-edit: Jade/Sarah

Source: Sarah/Jade

Photo credit: CFP/CGTN

Please select the login method