Sa pamamagitan ng halos tatlong linggong paglilitis, ibinaba ng lokal na hukuman sa Estado ng Minnesota, Amerika, ang hatol na "may-sala" laban kay Derek Chauvin, dating pulis ng Minneapolis, kaugnay ng kanyang pagkakapatay sa itim na Amerikanong si George Floyd.
Sa kabila nito, ipinalalagay pa rin ng maraming tao, na hindi malulutas ng nasabing hatol ang pagtatanging panlahi na matagal nang umiiral sa Amerika.
Ayon sa pahayagang New York Times, sa loob lamang ng tatlong linggo ng paglilitis sa kaso ni Chauvin, mahigit sa 3 katao ang pinapatay araw-araw ng mga pulis sa buong Amerika, at kalahati sa kanila ay mga itim na Amerikano o latino Amerikano.
Kabilang sa mga trahedyang ito ay isang insidenteng naganap ilang oras lamang bago ilabas ang hatol kay Chauvin.
Sa Columbus, Estado ng Ohio, binaril at pinatay ng kapulisan ang 16-taong-gulang na itim na batang babae, dahil sa hinalang pinagtatangkaan niyang saksakin ang dalawa pang batang babae.
Sa harap ng kampanya ng pagsupil sa rasismo sa iba't-ibang dako ng daigdig, ipinakikita ng mga pangyayaring ito, na hindi pa rin nag-i-ingat ang mga pulis na Amerikano sa kanilang mga kilos.
Ito rin ay matibay na patunay, na malayo pa ang katarungan para sa mga minoryang grupo sa Amerika.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan