CMG Komentaryo: Amerika, dapat itakwil ang pakikialam o interventionism

2021-04-16 16:04:38  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Amerika, dapat itakwil ang pakikialam o interventionism_fororder_ff790a0cf298470baa84fc9c1e2

 

Sa deklarasyong pinagtibay noong 1965 ng Pangkalahatang Asembleya ng United Nations (UN), isinaad nitong hindi dapat direkta o di-direktang makialam ang anumang bansa, batay sa anumang pangangatwiran, sa mga suliraning panloob at panlabas ng ibang bansa, hindi dapat gamitin ang mga hakbanging pulitikal, militar, o ekonomiko bilang banta sa ibang bansa para yumuko ito sa isang isyu, at hindi rin dapat organisahin, tulungan, likhain, ponduhan, sulsulan, o makipag-sabuwatan sa aktibidad sa loob ng ibang bansa para ibagsak ang pamahalaan nito.

 

Kung titingnan ang mga ginawa ng Amerika nitong mga taong nakalipas, na gaya ng paglunsad ng mga digmaan sa Afghanistan, Iraq, Libya, Syria, at iba pa; pagtataguyod ng "Arab Spring" sa Gitnang Silangan at "Colour revolution" sa mga bansang Asyano at Europeo; pagsasagawa ng long-arm jurisdiction sa Iran, Cuba, Venezuala, Tsina, at iba pa; at pagpataw ng sangsyon laban sa mga bahay-kalakal ng Rusya at Europa na kalahok sa Nord Stream 2 project, maaaring sabihin, ginawa ng Amerika ang lahat ng mga bagay na ipinagbabawal ng UN.

 

Sinabi naman ni Joseph Nye, kilalang dalubhasang Amerikano sa relasyong pandaigdig, na nitong mahigit 70 taong nakalipas pagkaraan ng World War II, laging isinasagawa ng Amerika ang interventionism, para panatilihin ang lubos na kapangyarihan nito sa daigdig.

 

Ang hindi pakikialam sa suliraning panloob ng ibang bansa ay hindi lamang saligang prinsipyong nakalakip sa Karta ng UN, kundi pandaigdigang norma rin.

 

Ang mga prinsipyong pinanghahawakan ng Amerika ay hindi pandaigdigang prinsipyo, at ang mga regulasyong itinakda ng Amerika ay hindi pandaigdigang regulasyon.

 

Dapat itigil ng Amerika ang interventionism, at itigil ang pakikialam sa mga suliraning panloob at panlabas ng ibang bansa.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method