Ipinahayag kamakailan ni Matshidiso Moeti, Direktor ng World Health Organization sa Aprika, ang pagkabahala sa di-pantay na pamamahagi ng mga bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa daigdig.
Aniya, ang bolyum ng mga bakunang nagamit sa mga bansang Aprikano ay katumbas lamang ng 2% ng kabuuang bilang sa buong mundo.
Sa kasalukuyan, ang mayayamang bansa ang nagtatamasa ng 60% ng mga bakuna sa buong daigdig, pero ang kabuuang populasyon ng mga bansang ito ay katumbas lamang ng 16% ng populasyon ng mundo, dagdag niya.
Samantala, patay-malisya ang mayayamang bansa sa pangangailangan ng mahihirap na bansang kinabibilangan ng mga bansang Aprikano sa bakuna.
Malinaw na nakikita rito ang muling paglitaw ng kolonyalismo ng mga kanluraning bansa, na may esensiya ng pagkamkam ng mga yaman habang, hindi sila nanghihinayang sa pagkasira ng kapakanan ng ibang mga bansa.
Minomonopolyo ng mayayamang bansang kanluranin ang pagdedebelop at paggawa ng bakuna, at sila rin ang nagmamay-ari ng malaking bolyum ng mga bakuna.
Sa kabila nito, hindi rin sila nagbibigay-tulong sa mga umuunlad na bansa.
Hindi ba ito bagong porma ng kolonyalismo sa kasalukuyang panahon?
Matatandaang noong nagdaang taon, sinabi ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations, na hanggang sa kasalukuyan, idinudulot pa rin ng kolonyalismo ang mga pinsala sa daigdig.
Sa mga nangyayari hinggil sa usapin ng bakuna kontra COVID-19, tamang-tama ang sinabi ni Ginoong Guterres.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan