Lulan ng chartered Cebu Pacific flight, dumating ngayong umaga ng Ninoy Aquino International Airport ang karagdagang 500,000 dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), na idinebelop ng Sinovac Biotech ng Tsina.
Hanggang sa kasalukuyan, tinanggap ng Pilipinas ang 3.5 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac. Kabilang dito, 2.5 milyon ang binili ng pamahalaang Pilipino, at 1 milyon ang libreng kaloob ng pamahalaang Tsino.
Samantala, sa pamamagitan ng COVAX Facility, nakuha rin ng Pilipinas ang 525,600 dosis ng bakunang idinebelop ng AstraZeneca. Pero, inaasahang maaantala ang paghahatid ng karagdagang mga bakuna ng kompanyang ito, at maging ang unang pangkat ng Sputnik V vaccine na ginawa ng Rusya.
Ayon naman sa Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas, sapul nang simulan ang pagbabakuna sa bansa noong Marso, ginamit na ang 1.8 milyong dosis ng bakuna.
Kabilang dito, 246,801 katao ang ganap na nabakunahan ng dalawang dosis, at 1.5 milyon naman ang tinukuran ng unang dosis.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
Photo Courtesy: PCOO
Karagdagang 500,000 bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas; tuluy-tuloy na suplay, pinasalamatan
Sugong Tsino: Sana'y ang mga bakuna ng Tsina ay makakatulong sa paglaban ng Pilipinas sa pandemiya
500,000 karagdagang bakunang gawa ng Sinovac, dumating ng Maynila
Dumating na! 1 milyong dosis ng bakuna kontra COVID-19 na binili ng Pilipinas mula sa Tsina
Paglaban sa pandemiya, konsultasyon ng COC, pinag-usapan ng FM ng Tsina at Pilipinas