Pirmihang kinatawan ng Tsina sa ESCAP, naglahad ng paninindigan ng Tsina sa isyu ng kapaligiran at kaunlaran

2021-04-30 16:12:20  CMG
Share with:

Pirmihang kinatawan ng Tsina sa ESCAP, naglahad ng paninindigan ng Tsina sa isyu ng kapaligiran at kaunlaran_fororder_20210430KeYousheng

Sa ika-77 taunang pulong ng Economic and Social Commission for Asia and Pacific (ESCAP) ng United Nations (UN) nitong Huwebes, Abril 29, 2021, sinuri ang mga gawain sa larangan ng kapaligiran.
 

Inihayag ni Ke Yousheng, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa ESCAP, na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang isyu ng kapaligiran at kaunlaran, aktibong pinapasulong ang konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal, at natamo ng bansa ang kapansin-pansing mga bunga.
 

Dagdag niya, mariing hinihimok ng Tsina ang panig Hapones na isaalang-alang ang maayos na paghawak sa isyu ng radioactive wastewater ng Fukushima Daiichi nuclear power plant.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method