Matagumpay na ipinadala nitong Huwebes, Abril 29, 2021 ng Tsina ang core module ng space station ng bansa na pinangalanang “Tianhe” sa nakatakdang orbita.
Ito ay palatandaan ng komprehensibong pagsisimula ng pagtatatag ng space station ng Tsina.
Noong nakaraan, ang Tsina ay binoykot sa international space station “club” na pinamumunuan ng Amerika. Itinuturing ng ilang pulitikong kanluranin na pangunahing pagaganapan ng digmaan at arms race sa hinaharap ang larangan ng kalawakan, at pinipigilan ang pag-unlad ng Tsina sa larangan ng teknolohiyang pangkalawakan.
Sa harap ng mga hadlang, sa pamamagitan ng inisyatibang inobasyon, natamo ng usaping pangkalawakan ng Tsina ang isang serye ng kapansin-pansing tagumpay na gaya ng lunar exploration, Mars exploration, Beidou Navigation Satellite System, Long March series carrier rocket at iba pa.
Ngayon, sumulong ang hakbang ng Tsina sa pagtatatag ng permanenteng space station.
Dahil posibleng paretiruhin ang umiiral na international space station na tumatakbo ng ilampung taon sa orbita sa panahon mula 2024 hanggang 2028, ang itatatag ng space station ay magsisilbing siyang tanging space station ng sangkatauhan sa kalawakan.
Hindi katulad ng ostilong kanluranin, bukas sa lahat ng mga kasaping bansa ng United Nations (UN) ang space station ng Tsina, at ito ay kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan.
Lubos na isasaalang-alang ng kooperasyon ng space station ng Tsina ang pangangailangan ng mga umuunlad na bansang kapos sa teknolohiya at pondo, at ipagkakaloob sa kanila ang pagkakataon ng pagpasok sa kalawakan, upang isagawa ang iba’t ibang uri ng application experiment.
Sa hinaharap, magkakaroon ang buong mundo ng isang bukas at lipos ng kasiglahan na plataporma ng pandaigdigang kooperasyong pangkalawakan, at magsisilbi itong “komong tahanan” ng sangkatauhan sa outer space.
Salin: Vera
Pulido: Mac
Konstruksyon ng space station ng Tsina, matatapos bandang 2022
Satellite para sa pananaliksik sa kapaligiran ng kalawakan, matagumpay na inilunsad ng Tsina
Long March-7A Y2 carrier rocket, matagumpay na inilunsad ng Tsina
Tsina at Rusya, lumagda sa MOU hinggil sa pandaigdigang istasyon ng pananaliksik sa Buwan