Sa panayam nitong Biyernes, Abril 30, 2021, sinabi ni Sun Weidong, Embahador ng Tsina sa Indya, na pinabibilis ng mga kompanyang Tsino ang paggawa ng 40,000 oxygen generator na binili ng Indya, para ihatid ang mga ito sa lalong madaling panahon.
Nauna rito, sinabi rin ni Sun, na mula noong Abril, ipinagkaloob na ng Tsina sa Indya ang mahigit 5,000 ventilator, mahigit 21,000 oxygen generator, mahigit 21 milyong maskara, at halos 3,800 toneladang medisina.
Dagdag niya, ang Tsina ay isa sa unang mga bansang nagbigay ng suporta at tulong sa Indya, pagkaraang lumala sa bansang ito ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Editor: Liu Kai