Sa kanyang panayam sa programang 60 Minutes ng CBS News noong Mayo 2, sinabi ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos na“mas agresibo”ang mga kilos ng Tsina sa ibayong dagat. Layon aniya ng Tsina na maging makapangyarihang bansa ng daigdig.
Sinabi pa ni Blinken na walang intensyon ang Amerika na pigilan o sikilin ang Tsina, at sa halip, gusto lang nitong ipagtanggol ang pandaigdig na kaayusan batay sa alituntunin na kasalukuyang di-umano’y hamon na hatid ng Tsina.
Sa katotohanan, pinaghalo ni Blinken ang pandaigdig na regulasyon at regulasyon ng Amerika. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakialam ang opisyal Amerikano sa mga suliraning panloob ng ibang bansa batay sa alituntunin ng Amerika, sa pamamagitan ng pagbabalat-kayo ng alituntuning pandaigdig.
Nitong ilang dekadang nakalipas, kitang-kita kung paano nangingibabaw ang alituntunin ng Amerika sa iba’t ibang lugar ng mundo na gaya ng Afghanistan, Iraq, Libya, Syria at iba pa. Bunsod nito, napinsala ng digmaan ang mga mamamayan ng nasabing mga bansa. Kasabay nito, isinasagawa rin ang Amerika ang long-arm jurisdiction sa Iran, Cuba, at Valenzuela.
Maging ang mga organisasyong pandigdig ay napapasailalim sa paniniil ng Amerika. Dahil sa pagbeto ng Amerika, hindi pa nalutas ang kakulangan sa mahistrado ng Appellate Body ng World Trade Organization (WTO). Ang Appellate Body, mekanismo ng WTO sa paglutas sa mga alitan sa pagitan ng mga miyembro ng WTO, ay gumaganap ng nukleong papel sa pandaigdigang multilateral na sistemang pangkalakalan.
Hindi rin nakaligtas dito ang mga kaalyado ng Amerika. Halimbawa, hiniling ng Amerika sa Alemanya na itigil ang Nord Stream 2, proyekto ng natural gas pipeline na nag-uugnay ng Alemanya’t Rusya. Ipinahayag kamakailan ng Politiken, diyaryo ng Denmark, na natanggap nito ang kahilingan mula sa Pasuguang Amerikano para suriin kung ginagamit nito ang routers o networking gears na yari ng limang kompanyang Tsino.. Banta ng Pasuguang Amerikano,kakanselahin nito ang subskripsyon ng pahayagan kung hindi ibibigay ng Politiken ang naturang impormasyon o kung ginagamit nito ang mga kagamitan mula sa nasabing mga kompanyang Tsino.
Batay sa mga nabanggit, malinaw na makikita kung aling bansa ang napaka-agresibo at nagtatangkang maghari sa buong mundo. Ang mga pulitikong Amerino na nahuhumaling sa diplomasya ng paniniil ang nagtutulak sa Amerika tungo sa landas ng hegemonya na nauuwi sa kabiguan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio