Nagpunta kamakailan ang isang grupo ng pagbabalita ng ABS-CBN sa South China Sea para magsagawa ng umano’y panayam at pagbabalita sa mga mangingisdang Pilipino doon. Ngunit ang inilabas nitong impormasyon tungkol sa “paghabol” ng mga Chinese vessels sa kanila ay nakatawag ng napakalaking pansin ng iba’t-ibang panig ng Pilipinas.
Pero, walang anumang inilabas na video hinggil sa panayam sa mangingisda ng nasabing grupo. Bukod dito, napatunayang di totoo ang impormasyon tungkol sa paghabol ng Chinese vessels.
Kung babalik-tanawin ang kasaysayan, noong taong 1898, sa pamamagitan ng pagluto ng napakaraming “Yellow Journalism,” nilikha ng pahayagang The New York World at New York Journal ang “kapaligiran ng pampublikong opinyon” sa pamamagitan ng maling pagbabalita hinggil sa “USS Maine explosion” na nagbunsod ng digmaan sa pagitan ng Amerika at Espanya. Noong simula, mapagkunwaring tinulungan ng Amerika ang Pilipinas sa paglaban sa Espanya, at matapos matalo ang Espanya, sinakop ng Amerika ang Pilipinas sa pamamagitan ng dahas. Ayon sa di-ganap na estadistika, sa panahon ng halos kalahating siglong paghahari ng Amerika sa Pilipinas, mahigit isang milyong Pilipino ang pinatay.
Ngunit ang kasaysayan ay kadalasan ay sinulat ng mga nanalo. Lagi’t laging pinagtatakpan ng Amerika ang nasabing madugong kasaysayan.
Nitong nakalipas na 18 taon, katulad na paglinlang at paraan ang ginamit din ng Amerika sa Iraq. Sa katuwirang mayroong malawakang pamuksang sandata ang Iraq, lantarang sinalakay ng Amerika ang Iraq, ninakaw ang napakaraming yamang langis ng Iraq, at iniwan ang napakalaking pinsala sa mga mamamayang Iraqi. Mahigit isang milyong mamamayang Iraqi ang namatay o nasugatan sa digmaan.
Sa katotohanan, kasalukuyang nagaganap ang magkaparehong panggyayari sa ilang bansang tulad ng Venezuela at Bolivia. Di-mahirap na nakikita dito ang American-style standard operating procedure (SOP), ibig sabihin, ginagamit ng Amerika ang “false flags” para i-demonize ang mga di-kaalyadong bansa nito at mapalakas ang impluwensiya nito sa ibang lugar sa daigdig.
Parang nauulit ang isang tagpo ngayon sa kasaysayan.
Ibinunsod ba ng mga pekeng impormasyon ng ilang media ang kasalukuyang umiigting nang umiigting na situwasyon sa Niu’e reef sa South China Sea? Maraming beses na inihayag ng panig opisyal ng Tsina na ang pananatili ng mga barkong Tsino sa karagatan ng Niu’e reef ay para umiwas mula sa masamang lagay ng panahon, bagay na napatunayan ng isang satellite imagery ng US National Oceanic and Atmospheric Administration.
Ngunit sinipi ng ilang media ang pananalita ng ilang opisyal ng Department of National Defense (DND) ng Pilipinas na nagsasabing nananatili ang napakaraming bapor ng “maritime militia” ng Tsina at naka- “military formation” ang mga ito sa Niu’e reef. Alam ng lahat na sa masamang lagay ng panahon, ang pananatili ng magkakasama ng mga barko ay para sa katatagan at kaligtasan lamang. Tungkol sa mga impormasyong inilabas ng ilang media na bukas ang mga ilaw ng mga barkong Tsino sa gabi. Tanong! Di-makatuwirang operasyon ba ang pagbukas ng mga liwanag sa gabi para mangisda?
Ayon sa isang artikulong inilathala ng Esquire Philippines, nagbibigay-galang ang Tsina sa dahas lamang.
Tunay ba ito? Laging minamahal ng Tsina ang kapayapaan. Sa loob ng napakahabang panahon, nakaranas ang Tsina ng kahirapan at panghahamak dala ng kolonisasyon, kaya hindi kailanman ipapataw nito ang ganitong kahirapan at trahedya sa anumang bansa.
Bukod dito, ang gastos na militar ng Amerika ay nangunguna sa buong daigdig. Ang halaga nito ay katumbas ng kabuuang halaga ng military expenditure ng susunod na 10 mga bansa sa listahan. Sa mula’t mula pa’y pinaninindigan at isinasagawa ng Tsina ang mapayapang paraan para malutas ang demarkasyon at mga hidwaang teritoryal sa mga kapitbansa. Bunga nito, matagumpay na nalutas na ang delimitation sa pagitan ng Tsina at ilang kapitbansa nito. Samantala, inilunsad o nakipagsabwatan ang Amerika sa mahigit isang daang digmaan o coup d’etat sa ibang bansa.
Sa isang talakayan sa Amerika noong 2018, minsa’y isinalaysay sa mediang Amerikano ni Yanis Varoufakis, dating Ministro ng Pinansya ng Greece na hindi kailanman nanghimasok ang Tsina sa mga suliraning panloob ng iba. Ang kagawiang ito ay di nauunawaan ng mga bansang Europeo at Kanluranin, diin niya.
Sa isyu ng South China Sea, palagiang naninindigan ang Tsina na lutasin ang alitan sa mapayapaang paraan. Umaasa itong sa pamamagitan ng pagpapalalim ng pragmatikong kooperasyong pandagat, walang humpay na mapapalakas ang pagtitiwalaan ng iba’t-ibang kaukulang panig.
Noong Abril 2, sa pag-uusap nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Teodoro Locsin, Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, ipinahayag ng una ang kahandaan ng Tsina na magsikap kasama ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na kinabibilangan ng Pilipinas, para komprehensibo’t mabisang maisakatuparan ang “Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC),” mapabilis ang pagsasanggunian hinggil sa “Code of Conduct in the South China Sea (COC),” at magkakasamang mapangalagaan ang matatag na situwasyon ng South China Sea at mainam na tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng kapwa panig.
Ipinahayag naman ni Locsin ang pag-asang mapapabilis ang pagpapasulong ng pagsasanggunian ng COC upang magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea.
Kung ihahambing sa Amerika, mas kusang-loob na ibinabahagi ng Tsina ang bunga ng pag-unlad nito sa mga kapitbansa at buong daigdig. Halimbawa, iniharap ng Tsina ang mungkahing isaisang-tabi ang hidwaan at magkasamang galugarin kasama ng Pilipinas ang langis at gas sa South China Sea sa 40-60 sharing of proceeds na kapaki-pakinabang sa panig Pilipino. Mas mataas ito kumpara sa proporsiyon ng sharing of proceeds na ibinibigay sa Pilipinas ng dayuhang kumpanya sa Malampaya.
Sa simula ng pagputok ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), pangkagipitang ini-abuloy ng Tsina ang mga kasangkapang medikal at maskara sa Pilipinas, at ang Tsina ay tanging bansang nagbigay at sustenableng nagluluwas ng mga bakuna sa Pilipinas.
Ngayong araw, Abril 29, dumating ng Pilipinas ang ika-6 na pangkat na bakunang gawa ng Sinovac ng Tsina. Sa kanyang pagsalubong sa ika-5 batch ng bakunang Tsino na inihatid sa Maynila noong Abril 22, ipinahayag ni Kalihim Carlito Galvez Jr., NTF COVID-19 chief implementer, na sa kakulangan ng pagsuplay ng bakuna sa buong daigdig, pinasasalamatan ng Pilipinas ang pagpapauna ng Tsina sa sustenableng pagsuplay ng mga bakuna sa Pilipinas. Ito aniya ay napakahalaga para sa pagbabakuna ng buong bansang Pilipinas.
Kasabay nito, sa kabila ng sariling kahirapan, kasalukuyang nagkakaloob ang Tsina ng vaccine aid sa 80 bansa at 3 organisasyong pandaigdig, nagluluwas ng mga bakuna sa mahigit 40 bansa, at nakikipagkooperasyon sa mahigit 10 bansa sa pagsasagawa ng pag-aaral at pagpoprodyus ng bakuna. Ngunit malawakang itinatago ng Amerika ang mga bakuna, at buong higpit nitong ipinagbabawal at kinukontrol ang pagluluwas ng mga kagamitang medikal at bakuna.
Binigyan ng lubos na pangako ng Amerika ang Pilipinas na kung aatakehin ang huli, ipagtatanggol ng Amerika ang Pilipinas. Sa katotohanan, ang layon nito ay mahigpit na talian ang Pilipinas sa “war chariot” ng Amerika. Ngunit kung babalik-tanawin ang kasaysayan ng pananakop ng Amerika sa Pilipinas, at ang ipinakitang gawi nito sa United Nations (UN), Unyong Europeo (EU), World Health Organization (WHO), United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), “Trans-Pacific Partnership Agreement,” “Treaty on Open Skies,” “Paris Agreement,” at iba pa, mapagkakatiwalaan ba ang Amerika?
Ngayo’y nasa pinakamahigpit na panahon ang pagkontrol at pagpigil ng Pilipinas sa pandemiya, liban sa panunulsol sa Pilipinas na makipaglaban sa Tsina sa pamamagitan ng dahas at pagpapalala ng maigting na situwasyong panrehiyon, ano pang bagay ang ginawa ng Amerika?
Sa sandaling ito, may dalawang pagpili ang Pilipinas: una, sumunod sa panunulsol ng Amerika at ilunsad ang giyera sa bansang Tsina na may mahigit isang libong taong kasaysayan ng mapagkaibigang pagpapalagayan at pagtutulungan, di kailanma’y sinalakay ang Pilipinas, at nagkakaloob ng bakuna, sulong na teknolohiya, nagbubukas ng napakalaking merkado, at nagbibigay tulong sa konstruksyon ng imprastruktura; ikalawa, samantalahin ang oportunidad na dala ng pag-uugnay ng Build Build Build Program at Belt and Road Initiative at Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) para magkakasamang mapangalagaan kasama ng Tsina at mga kapitbansa ang kapayapaang panrehiyon at hanapin ang komong kaunlaran at kasaganaan.
Pinaniniwalaang pipiliin ng mga mamamayang Pilipino ang rasyonal na opsyon upang maiwasan ang muling pagkaganap ng trahedyang kasaysayan.
Source:
https://medium.com/@BritsPhil/the-philippines-genocide-up-to-3-million-filipinos-killed-6c5037ce7e9e
http://www.xinhuanet.com//english/2017-07/25/c_136471689.htm
https://www.globaltimes.cn/content/612563.shtml
https://www.esquiremag.ph/politics/news/china-backs-down-a00293-20210416-lfrm
https://news.abs-cbn.com/ancx/food-drink/features/04/27/21/welcoming-the-goat-to-our-tables
https://www.pbs.org/crucible/tl10.html
https://www.encyclopedia.com/history/educational-magazines/new-york-world
May-akda: Lito
Pulido: Mac / Jade
Karagdagang 500,000 bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas; tuluy-tuloy na suplay, pinasalamatan
Pangingisda ng Tsina sa Niu’e Jiao, lehitimo: Pilipinas, dapat itigil ang hype-up - Tsina
Op-Ed: Pagsasanggunian at pagtutulungan, siyang tanging kalutasan sa isyu ng SCS
Dumating na! 1 milyong dosis ng bakuna kontra COVID-19 na binili ng Pilipinas mula sa Tsina
Op-Ed: Anumang isyu, maaaring pag-usapan ng tunay na kaibigan