Nitong ilang araw na nakalipas, maraming alingasngas ang ipinahayag ng ilang politikong Amerikano tungkol sa paglilitis ng hukuman ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) sa mga elementong kumokontra sa Tsina at pagtibag sa Hong Kong.
Higit pa riyan, hiniling nilang palayain ang mga personaheng sangkot sa nasabing mga kriminal na gawain.
Walang humpay na inihahayag ng ilang politikong Amerikano na dapat pangalagaan ang kaayusang pandaigdig base sa umano’y “regulasyon.”
Ngunit sa katotohanan, ang kanilang mga ginagawa ay lumalabag sa pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig.
Ibinibunyag ng kanilang mga kilos ang tunay nilang pakay na panghimasukan ang suliraning panloob ng ibang bansa sa katuwiran ng “karapatang pantao.”
Ang prinsipyo ng di-panghihimasok ay mahalagang prinsipyo ng “UN Charter” at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaidig.
Ito rin ay pundamental na garantiya sa soberanya at pagsasarili ng iba’t-ibang bansa, at pangangalaga sa pagkakapantay-pantay at katarungang pandaigdig.
Pero, nagbubulag-bulagan ang ilang politikong Amerikano sa naturang mga regulasyong pandaigdig.
Paulit-ulit nilang pinanghihimasukan ang mga suliraning panloob ng Tsina at ipinagtatanggol ang mga krimen ng mga elementong kontra sa Tsina at sangkot sa pagtibag sa Hong Kong.
Nakikita rito ng buong daigdig na ginagamit ng ilang politikong Amerikano ang mga katuwirang gaya ng “kalayaan” at “demokrasya” upang guluhin ang Hong Kong at pigilan ang pag-unlad ng Tsina.
Lubos na iginagarantiya ng Saligang Batas ng Hong Kong ang karapatang pantao at Kalayaan, at ang tangka ng ilang politikong Amerikano na lagyan ng masamang kulay ang sistemang hudisyal at pambatas ng Hong Kong ay tiyak na mabibigo.
Walang anumang espasyo ang kasalukuyang Hong Kong para sa pagsasagawa ng masasamang bagay ng mga dayuhang puwersa.
Salin: Lito
Pulido: Rhio
[Video] Carrie Lam: Hong Kong, naging matatag sa ilalim ng national security law
Tsina sa mga pulitikong dayuhan: itigil ang pagyurak sa rule of law ng Hong Kong at daigdig
CMG Komentaryo: Pahayag ng Amerika tungkol sa Hong Kong, sobrang baligho
Tsina sa Amerika: Pag-unlad ng Hong Kong, hindi nakaasa sa “alms-giving” o “charity” ng ibang bansa
Tsina, determinado at may kompiyansang pangangalagaan ang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong