Idinaos kahapon, Mayo 9, 2021, sa Red Square sa gitna ng Moscow, kabisera ng Rusya, ang maringal na paradang militar, bilang paggunita sa Ika-76 na Anibersaryo ng Pagtatagumpay ng Red Army ng Soviet Union laban sa Nazi Germany sa World War II, na tinatawag din bilang Victory Day ng Great Patriotic War.
Ayon sa media ng Rusya, lumahok sa parada ang mahigit 12,000 tauhang militar.
Itinanghal din ang halos 190 kasangkapang militar, at 76 na eroplanong militar.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, na habang ipinagtatanggol ang pandaigdigang batas, buong tatag ding pinangangalagaan ng Rusya ang mga pambansang kapakanan, para igarantiya ang kaligtasan ng mga mamamayan nito.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan