Ayon sa datos na isinapubliko kamakailan ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, umabot sa mahigit 11.6 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina noong unang 4 na buwan ng kasalukuyang taon.
Ito ay magkahiwalay na lumaki ng 28.5% at 21.8% kumpara sa taong 2020 at 2019, ayon pa sa ulat.
Kaugnay nito, magkakasunod na ipinahayag ng Bloomberg News ng Amerika, Nihon Keizai Shimbun (Nikkei) ng Hapon, Wirtschaftswoche (WiWo) ng Alemanya, at eksperto ng Oxford Economics, na ang kahanga-hangang tunguhing ito ay sustenableng nakakapagpa-ahon sa kabuhayang pandaigdig.
Salin: Lito
Pulido: Rhio