Produktong Pinoy, inilunsad sa Tsina: patakaran ng bansa, malaking tulong sa mga dayuhang kompanya

2021-05-11 17:17:56  CMG
Share with:

 

Sa suporta ng Konsulado Heneral ng Pilipinas sa Shanghai, at Philippine Trade and Investment Center – Shanghai (PTIC-Shanghai), isang kaganapan ang idinaos kamakailan ng Pilipinong kompanyang Century Pacific Food Incorporated sa naturang lunsod bilang paglulunsad sa bago nitong linya ng produkto na tinaguriang UnMeat – karneng gawa sa gulay.

 

Produktong Pinoy, inilunsad sa Tsina: patakaran ng bansa, malaking tulong sa mga dayuhang kompanya_fororder_微信图片_20210511155256_副本

 

Bilang alternatibo sa karne, ang mga produktong nasa ilalim ng UnMeat ay hindi lamang berde at sustenable; hitsurang karne at lasang karne, kundi mayaman din sa protina, at walang negatibong epektong karaniwang nakukuha mula sa karne ng hayop.

 

Produktong Pinoy, inilunsad sa Tsina: patakaran ng bansa, malaking tulong sa mga dayuhang kompanya_fororder_微信图片_20210511155256

 Mga produkto ng UnMeat

 

Sa eksklusibong panayam sa China Media Group-Filipino Service (CMG-FS), sinabi ni Adrian Campillo, General Manager ng Century International China, sangay ng Century Pacific Food Incorporated sa Tsina, na may tatlong produktong nasa ilalim ng linyang UnMeat, at ang mga ito ay burger patty, nugget, at sausage.

 

Produktong Pinoy, inilunsad sa Tsina: patakaran ng bansa, malaking tulong sa mga dayuhang kompanya_fororder_Andrian

Adrian Campillo, General Manager ng Century International China

 

Sa mga susunod na buwan, ilalabas din aniya sa Tsina ang giniling.

 

Ani Campillo, may kooperasyon na sila sa malalaking online shopping platform sa Tsina na gaya ng TMall, na nasa ilalim ng Taobao; Jing Dong at Pinduoduo; at kilalang mga offline na pamilihang tulad ng RT Mart, Carrefour, Hema, Lianhua, City Shop, City Super, Vanguard, at marami pang iba.

 

Sa lalong madaling panahon, mabibili na sa Chinese mainland, Hong Kong at Macau ang naturang mga produkto, dagdag niya.  

 

Sa kanya namang hiwalay na pahayag, sinabi ni Josel F. Ignacio, Konsulado Heneral ng Pilipinas sa Shanghai, na kumpara sa mga kanluraning merkado, malaking atensyon ang itinutuon ng mga konsumer na Tsino sa malusog at balanseng pagkain.

 

Produktong Pinoy, inilunsad sa Tsina: patakaran ng bansa, malaking tulong sa mga dayuhang kompanya_fororder_微信图片_20210511154438

Josel F. Ignacio, Consul Konsulado Heneral ng Pilipinas sa Shanghai

 

“Sa pagputok ng Corona Virus 2019 (COVID-19), lalo pang napabilis ang  pagbabago ng pananaw ng mga Tsino hinggil sa pagkonsumo ng karneng mula sa hayop. Ang alternatibong ito [UnMeat] na mula sa gulay ay nagpupuno sa pangangailangan ng merkadong Tsino, kapuwa para sa malusog na pagkain at balanseng nutrisyon,” saad ni Ignacio.

 

Samantala, ipinahayag naman ni Mario C. Tani, Puno ng Philippine Trade and Investment Center – Shanghai (PTIC-Shanghai), na "ang Century Pacific Food Incorporated ay hindi lamang nasa negosyo ng paggawa ng pagkain, kundi nasa siyensiya rin ng pagkain at nutrisyon, kaya patuloy nitong ginagamit ang pinakamoderno at pinakamahusay na teknolohiya at kagamitang pamproduksyon upang makagawa ng masusustansyang pagkain para sa mga konsumer.”

 

Produktong Pinoy, inilunsad sa Tsina: patakaran ng bansa, malaking tulong sa mga dayuhang kompanya_fororder_微信图片_20210511154419

Mario C. Tani, Puno ng Philippine Trade and Investment Center - Shanghai

 

Ang UnMeat aniya ay hindi lamang may abot-kayang presyo, ito rin ay gumagamit ng mas malusog, at mas natural na rekadong mabuti sa katawan ng tao.

 

Ang UnMeat ay ang matagal nang hinihintay ng plant-based at meat alternative market ng Tsina, at sa pamamagitan nito, magkakaroon ng mas mainam na pagpipilian ang mga Tsino para sa malusog na pagkain, lahad ni Tani.

 

Produktong Pinoy, inilunsad sa Tsina: patakaran ng bansa, malaking tulong sa mga dayuhang kompanya_fororder_微信图片_202105111552561_副本

Produktong Pinoy, inilunsad sa Tsina: patakaran ng bansa, malaking tulong sa mga dayuhang kompanya_fororder_微信图片_202105111552562

 Mga produkto ng UnMeat

 

Ayon naman kay Shen Siming, Pangulong Pandangal ng Shanghai Food and Beverage Culinary Association, ang UnMEAT ay mula sa mga hindi genetically modified organism (non-GMO) na halaman at gulay, ligtas sa kolesterol, at nagbibigay ng protina at dietary fiber na kailangan para sa kalusugan ng mga tao.

 

Produktong Pinoy, inilunsad sa Tsina: patakaran ng bansa, malaking tulong sa mga dayuhang kompanya_fororder_微信图片_202105111552561

Shen Siming, Pangulong Pandangal ng Shanghai Restaurant and Culinary Association

 

Ang pagdating nito sa merkadong Tsino ay magdudulot aniya ng panibagong pagpipilian at karanasan sa mga konsumer, lalo na sa mga mahilig kumain ng gulay.

 

Ayon sa datos mula sa PTIC-Shanghai, patuloy na umuunlad ang merkado ng“meatless meat” sa buong mundo, at ito’y tinatayang aabot sa halagang  $US1.3 bilyong dolyar sa 2022.

 

Samantala, simula 2014, lumaki ng 33.5% ang merkado ng meat alternative ng Tsina.

 

Matibay ang pag-asa ni Campillo, na tulad ng Century Tuna, magiging matagumpay din ang UnMeat sa Tsina at iba pang dako ng mundo.

 

Bukod sa UnMeat, ilan pa sa mga produkto ng Century Pacific Food Incorporated na mabibili sa Tsina ay: Coco Mama (panlutong gata ng niyog), Aqua Coco (tubig ng buko), Century Tuna, at Blue Bay Tuna.

 

Patakarang Tsino, malaking tulong sa paglulunsad ng UnMeat

 

Ayon kay Campillo, ang Tsina ang kauna-unahang lugar sa labas ng Pilipinas kung saan, inilunsad ang mga produktong UnMeat.

 

Bukod sa pagiging isa sa pinakamalaking merkado ng plant-based meat sa mundo, ang Tsina aniya ang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, at ito ay walang dudang nagdudulot ng maraming pagkakataon ng pag-usbong para sa maraming kompanyang Pilipino at dayuhan.

 

Kaya naman, pinili aniya ng Century Pacific Food Incorporated na ilunsad sa Tsina ang UnMeat.

 

Bukod pa riyan, sinabi ni Campillo na napakalaking tulong ang ibinibigay ng pamahalaang Tsino sa mga dayuhang kompanya na nais maglagak ng negosyo sa bansa, at kabilang sa mga tulong na ito ang pagbabawas ng buwis o tax break; pagpapasimple ng prosidyur ng pagdadala ng mga produkto at pagsasa-ayos ng mga papeles, lalo na ngayong panahon ng pandemiya; at pagbibigay ng pinansiyal na tulong.

 

“Tulad namin, may nakuha kaming insentibo sa buwis, sa duties... mga ganoon, tax break na nakatulong sa kompanya. Maliban dito, dahil nga sa panahon ng COVID-19, nakakuha rin kami ng suporta mula sa pamahalaang [Tsino] kahit na dayuhang kompanya kami,” saad ni Campillo.

 

Napakaginhawa at napakalaking tulong aniya ang mga ito para sa paglulunsad ng UnMeat sa Tsina.

 

Sa palagay ni Campillo, ang matagumpay na paglulunsad ng UnMeat ay isang testamento sa patuloy pang tumitibay na relasyong pang-ekonomiya ng Pilipinas at Tsina.

 

Kaugnay nito, ipinahayag din ni Mario C. Tani, na ipinapakita ng pagpasok ng UnMeat sa merkadong Tsino ang buhay na buhay, at patuloy na paglakas ng relasyong pang-ekonomiya ng Pilipinas at Tsina.

 

“Ako ay may kompiyansang mas lalo pang lalalim at mas magiging makahulugan ang kooperasyong pang-negosyo sa pagitan ng dalawang bansa,” diin niya.

 

Tagumpay ng Century Pacific Food Incorporated, tagumpay ng Pilipino

 

Bilang isang kompanya ng de-lata, ang Century Pacific Food Incorporated ay itinayo ni Ricardo S. Po Sr. noong 1978.

 

Sa ngayon, isa na ito sa mga nangungunang tagamanupaktura ng pagkain sa mundo, at kabilang sa mga produkto nito ay sardinas na 555, gatas na Birch Tree, linya ng produktong Argentina, Century at Blue Bay Tuna, Coco Mama, Aqua Coco, Hunts at siyempre, at linya ng UnMeat.

 

Ang mga produktong ito ay iniluluwas sa mahigit 50 bansa at rehiyon sa mundo na kinabibilangan ng Tsina, Amerika, Kanada, Gitnang Silangan, Australya, Europa, Hapon, at marami pang iba.

 

Sa Tsina, ang mga kilalang kompanya na gaya ng Domino’s Pizza, Starbucks, Papa John’s at KFC ay mga tagatangkilik din ng Century Tuna.

 

Ipinakikita nito ang napakalaking tiwala ng maraming mamamayan at kilalang mga kompanya ng mundo sa mga produkto ng Century Pacific Food Incorporated – isang inspirasyon at patunay na kayang magtagumpay sa pandaigdigang entablado ng isang kompanyang Pilipino.

 

Ulat: Rhio Zablan

Audio-edit: Li Feng

Content-edit: Jade/Rhio

Web-edit: Jade/Sarah

 

Please select the login method