Wang Yi, inilahad ang posisyon ng Tsina tungkol sa situwasyon ng Afghanistan; pag-alis ng tropang dayuhan sa Afghanistan kinakailangan

2021-05-12 10:32:26  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap nitong Martes, Mayo 11, 2021 sa mga ministrong panlabas ng mga bansang gaya ng Uzbekistan at Tajikistan na kalahok sa pagtatagpo ng mga minstrong panlabas ng Tsina at limang bansang Gitnang Asyano sa Xi’an, probinsyang Shaanxi ng Tsina, inilahad ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang posisyon ng panig Tsino tungkol sa kasalukuyang situwasyon ng Afghanistan.

Ani Wang, ipinalalagay ng panig Tsino na dapat maayos at responsableng umurong ang mga dayuhang tropa sa Afghanistan para maiwasan ang negatibong epekto at malaking hadlang sa prosesong pangkapayapaan ng Afghanistan.

Sinabi ni Wang na kailangang iayon posisyon ng mga kapitbansa ng Afghanistan na gaya ng Uzbekistan at Tajikistan para ilabas ang magkatugmang tinig sa isyung ito.

Diin pa niya, dapat gumawa ang iba’t-ibang bansang Gitnang Asyano ng karapat-dapat na ambag para sa wakas ay malutas na ang isyu ng Afghanistan.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method