Patuloy kahapon, Mayo 13, 2021, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa paglalakbay-suri sa Nanyang, lunsod ng lalawigang Henan sa gitnang bahagi ng bansa.
Pumunta siya sa Xichuan County, kung saan sinuri niya ang Taocha Canal Head, Danjiangkou Reservoir at nayon ng Zouzhuang.
Pinakinggan ni Xi ang salaysay tungkol sa pagtatayo, pangangasiwa, at pagpapatakbo ng gitnang bahagi ng South-to-North Water Diversion Project, at proteksyong ekolohikal sa lugar na pinagmumulan ng tubig.
Nalaman din niya ang kalagayan ng mga residenteng inilipat ng tirahan dahil sa naturang proyekto, at mga hakbangin ng pagpapaunlad ng mga espesyal na industriya para itaas ang kanilang kita.
Sa panahon ng paglalakbay-suri, tumigil din si Xi sa mga taniman ng trigo, para suriin ang kalagayan ng paglago ng mga ito, at produksyon ng mga butil.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos