Naglakbay-suri kahapon, Mayo 12, 2021, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa Nanyang, lunsod ng lalawigang Henan sa gitnang bahagi ng bansa.
Unang pinuntahan ni Xi ang museong memoryal ni Zhang Zhongjing, kilalang parmasyutiko at manggagamot na Tsino na namuhay mga 1,800 taon ang nakararaan.
Nalaman ni Xi ang tungkol sa buhay ni Zhang, at kanyang ambag sa pagpapaunlad ng tradisyonal na medisinang Tsino.
Pagkatapos, pumunta si Xi sa isang parke ng Chinese Rose, at isang lokal na kompanyang gumagawa ng mga produktong mugwort.
Sinuri ni Xi, kung paanong ginagamit ng Nanyang ang naturang bulaklak at halamang gamot, para paunlarin ang mga espesyal na industriya, dagdagan ang trabaho, at palakasin ang paghahanapbuhay.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
Tsina at Sierra Leone, nagpalitan ng pagbati kaugnay ng ika-50 anibersaryo ng relasyong diplomatiko
Xi Jinping, ipinahayag ang pakikiramay kaugnay ng stampede sa Israel
Xi Jinping, pinahalagahan ang pagkakaisa at pagtutulungan ng Tsina at Aprika
Xi Jinping at kanyang ina: Pangako ng dalawang henerasyon ng kasapi ng CPC