Magkasamang itinaguyod nitong Martes, Mayo 18, 2021 ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina at World Economic Forum (WEF) ang kauna-unahang policy dialogue kasama ang mga kompanyang pandaigdig.
Noong 2020, dahil sa epekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), bumaba ng halos kalahati ang transnasyonal na direktang pamumuhunan ng buong mundo, pero sa kabila nito, naisakatuparan pa rin ng Tsina ang tripleng pagtaas ng kabuuang halaga ng pag-akit ng puhunang dayuhan, bahagdan ng paglago at proporsyon nito sa daigdig.
Ang Tsina ay siyang pinakamalaking bansang pinupuntahan ng puhunang dayuhan sa mundo.
Ipinalalagay ni Ning Jizhe, Pangalawang Direktor ng naturang komisyon, na ito ay sanhi ng walang humpay na pagbilis ng hakbang ng Tsina sa pagbubukas, tuluy-tuloy na pagbuti ng kapaligirang pang-negosyo, at malakas na resilience ng pag-unlad ng kabuhayan.
Ipinalalagay niyang sa darating na ilang taon, may inaasahang tuluy-tuloy pa ring bubuti ang pag-akit ng puhunang dayuhan ng Tsina.
Optimistiko naman ang mga transnasyonal na kompanyang sa potensyal ng pamilihang Tsino.
Anila, walang humpay nilang pag-iibayuhin ang pamumuhunan sa Tsina.
Salin: Vera
Pulido: Rhio