Ika-6 na pulong ng BCM ng Tsina at Pilipinas, gaganapin

2021-05-21 09:52:36  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Mayo 20, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pagkatapos ng pagsasanggunian ng kapwa panig, sa pamamagitan ng video link, gaganapin Mayo 21 ang ika-6 na pulong ng Bilateral Consultation Mechanism (BCM) ng Tsina at Pilipinas tungkol sa isyu ng South China Sea.

Ayon kay Zhao, dadalo sa pulong ang mga kinatawan mula sa mga departamento ng ugnayang panlabas, tanggulang pambansa, agrikultura, likas na yaman at kapaligiran ng dalawang bansa na magkahiwalay na pamumunuan nina Wu Jianghao, Asistanteng Ministrong Panlabas ng Tsina, at Elizabeth P. Buensuceso, Pangalawang Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.

Sinabi ni Zhao na magpapalitan ang kapwa panig ng kuru-kuro tungkol sa kasalukuyang situwasyon ng South China Sea, at mga isyung may kaugnayan sa dagat sa pagitan ng dalawang bansa.

Noong taong 2017, itinatag ang BCM ng Tsina at Pilipinas tungkol sa South China Sea na naglalayong talakayin ang pagkakaroon ng pagtitiwalaan at pagpapasulong ng seguridad at kooperasyon ng dalawang panig sa dagat.

5 pulong ang naidaos na sa ilalim ng mekanismong ito, bagay na nakakapagpatingkad ng positibong papel sa pagpapasulong ng malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino at pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method