Pilipinas, idineklara ang state of calamity dahil sa African swine fever

2021-05-12 16:03:25  CMG
Share with:

Idineklara nitong Martes, Mayo 11, 2021 ng Malacanang na dahil sa patuloy na pagkalat ng epidemiya ng African swine fever, sumailalim na sa isang taong state of calamity ang Pilipinas.
 

Sumiklab ang nasabing epidemiya sa Pilipinas noong 2019, at hanggang sa kasalukuyan, kumalat ito sa karamihan ng mga rehiyon ng bansa.
 

Sinabi ni Harry Roque, Tagapagsalita ng Malacanang, na gagamitin ng pamahalaan ang lahat ng mga kinakailangang resources o yaman, para pigilan ang ibayo pang pagkalat ng epidemiya sa loob ng bansa, igarantiya ang suplay ng mga produktong karne, at tulungan ang industriya ng pag-aalaga ng baboy na malampasan ang kahirapan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method