Sa panayam ng China Media Group Filipino Service, hangad ni Dr. Rommel Banlaoi, Pangulo ng Philippine Association for Chinese Studies (PACS) na sa taong 2021, sana'y hindi matitinag ang pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas.
Sa pakikibaka laban sa pandemiya ng COVID-19, pinasalamatan ni Dr. Banlaoi ang Tsina sa ibinibigay na tulong sa Pilipinas.
Aniya,“Sa mga bansang kinausap ng Pilipinas, ang Tsina lamang ang nagbigay ng immediate at adequate response sa mga pangangailangan ng Pilipinas sa vaccination, at kauna-unahang nagbigay ng kanilang medical assistance.”
Isa aniya siya sa mga nabiyaan at kumpleto na ang kaniyang mga turok ng Sinovac.
Saad niya,“Napakahalaga ng vaccination dahil gusto nating ma-achieve ang herd immunity para tuluyang magapi ang problema natin sa pandemya. At maibalik sa normal ang kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino na katulad ng tinatamasa ng mga mamamayan sa Tsina na normal ang pamumuhay dyan at malaya nang nakakalabas ang mga tao.”
Umaasa rin si Prof. Banlaoi na magpapatuloy ang mga pangkaunlarang kooperasyon ng dalawang bansa na nakapaloob sa Build Build Build Project.
Binanggit niya ang ilan sa mga kooperatibong proyekto na nagtutuloy-tuloy sa gitna ng COVID-19, na gaya ng irigasyon at dam sa Mt. Province para mapaunlad ang agricultural productivity, at flood control project sa Maynila.
Sinabi pa niya, sana ay patuloy ang pagpopondo ng Tsina sa mga proyektong pang-imprastruktura at pangkalakal.
Dapat din ani Banlaoi na kasabay ng pagpapahigpit na pagpapalitan ng dalawang pamamahalan at mga politikal na partido, dapat palakasin ang people to people contacts upang maibsan ang mataas na anti-China sentiment sa Pilipinas.
Diin ng PACS President, napakalawak ng ugnayan ng dalawang bansa at hindi maide-define lang ng alitang pandagat. Ito lamang ang isyung nakakabahala sa dalawang bansa, pahayag pa niya.
Mahalaga na magkaroon ng mapayapang solusyon sa isyu ng South China Sea ayon kay Dr. Banlaoi at isulong na magkaroon ng maigting na kooperasyon ang dalawang bansa sa South China Sea.
Ang buong panayam ay mapapakingga sa itaas.
Ulat: Machelle Ramos
Content-edit: Jade/Mac
Audio-edit/Web-edit: Jade
Audio-edit: Jade
Larawan: opisyal na website ng PACS
Espesyal na pasasalamat kay Li Feng
Produktong Pinoy, inilunsad sa Tsina: patakaran ng bansa, malaking tulong sa mga dayuhang kompanya
Ikapito at pinakamalaking kargamento ng 1.5 milyong bakuna ng Sinovac, dumating na ng Pilipinas
Pangulong Duterte binakunahan ng Sinopharm, inokulasyon matagal na niyang inasahan
Karagdagang 500,000 bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas; tuluy-tuloy na suplay, pinasalamatan
500,000 karagdagang bakunang gawa ng Sinovac, dumating ng Maynila
Tsina, magsisikap kasama ng Pilipinas, para maayos na hawakan ang pagkakaiba sa isyu ng dagat