Inilunsad nitong Linggo, Mayo 23, 2021 ng China Foundation for Poverty Alleviation (CFPA) ang proyekto ng pangkagipitang oxygen station sa komunidad sa Kathmandu, kabisera ng Nepal.
Layon ng nasabing proyekto na makipagkooperasyon sa pamahalaang lokal, para ipagkaloob ang saklolo ng kasangkapang medikal sa mga lugar na malubhang naaapektuhan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at tulungan ang bansa sa paglaban sa bagong round ng pandemiya.
Ayon kay Zou Zhiqiang, Direktor ng Tanggapan ng CFPA sa Nepal, pagkaraang sumiklab ang bagong round ng pandemiya, tuluy-tuloy na dumarami ang bilang ng mga kumpirmadong kaso at pumapanaw.
Napakalaki rin aniya ang kakulangan sa materyal na medikal.
Ipinakikita ng datos ng Ministri ng Kalusugan at Populasyon ng Nepal nang araw ring iyon, 7,598 ang bagong karagdagang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, at 513,241 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso.
Samantala, 6,346 na katao ang pumanaw.
Salin: Vera
Pulido: Rhio