CMG Komentaryo: Yuan Longping, bakit binigyang-pugay sa iba’t ibang sulok ng mundo?

2021-05-25 15:37:13  CMG
Share with:

Changsha, Lalawigang Hunan ng Tsina—Ginanap nitong Lunes, Mayo 24, 2021 ang seremonya ng pamamaalam kay Yuan Longping, Ama ng Hybrid Rice ng Tsina. Mula ng araw ng kaniyang kamatayan noong Mayo 22, tuloy-tuloy na binibigyang-pugay siya sa social media ng maraming organong pandaigdig na kinabibilangan ng United Nations (UN), mga departamento ng pamahalaan ng maraming bansa, at mga media’t netizen sa iba’t ibang sulok ng mundo.

CMG Komentaryo: Yuan Longping, bakit binigyang-pugay sa iba’t ibang sulok ng mundo?_fororder_20210525YuanLongping2

“Nagpapakain sa buong mundo ang pananaliksik ni Yuan Longping sa palay.”
 

“Siya ang tunay na bayani sa larangan ng pagkaing-butil.”
 

“Tinulungan niya ang ilang bilyong mamamayan na isakatuparan ang food security.”

CMG Komentaryo: Yuan Longping, bakit binigyang-pugay sa iba’t ibang sulok ng mundo?_fororder_20210525YuanLongping4

Ang nasabing mga komento kay Yuan ay nagpapatunay ng napakalaking ambag ng hybrid rice na idinebelop ni Yuan Longping at ng kanyang grupo.
 

Noong dekada 70 ng nagdaang siglo, humigit-kumulang 20% mas mataas kaysa regular na palay ang output ng hybrid rice ng Tsina. Noong unang dako ng dekada 90, ang pagpapalaganap ng hybrid rice ay inilakip ng UN Food and Agriculture Organization o FAO bilang priyoridad na estratehikong hakbangin sa pagresolba sa kakulangan ng mga umuunlad na bansa sa pagkaing-butil, at si Yuan Longping naman ay inanyayahan bilang punong tagapayong pandaigdig.

CMG Komentaryo: Yuan Longping, bakit binigyang-pugay sa iba’t ibang sulok ng mundo?_fororder_20210525YuanLongping3

Ayon sa datos, noong nagdaang ilanpung taon, sinanay ni Yuan ang mahigit 14,000 talentong teknikal ng hybrid rice para sa mahigit 80 umuunlad na bansa.
 

Sa kasalukuyan, nakikita sa India, Biyetnam, Amerika, Brazil, Aprika at iba pang lugar ang malawakang pagtatanim ng hybrid rice, at humigit-kumulang 2 toneladang mas mataas ang karaniwang output kada hektarya, kumpara sa mga de-kalidad na uri ng palay sa lokalidad.
 

Hindi lamang pinataas ni Yuan Longping at ng kanyang grupo ang food security ng daigdig, binawasan ang gutom at kahirapan sa buong mundo, kundi ginawa rin ang mahalagang ambag sa pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig.

CMG Komentaryo: Yuan Longping, bakit binigyang-pugay sa iba’t ibang sulok ng mundo?_fororder_20210525YuanLongping

Ang ginawa ni Yuan Longping ay nagpapakitang kasabay ng paggarantiya sa sariling food security, maaaring tulungan ng mga Tsino ang mga mamamayan ng daigdig na pawiin ang kagutuman.
 

Sa katunayan, marami ang mga halimbawa ng paghahatid ng mga Tsino ng benepisyo sa buong mundo. Sa pamamagitan ng sariling pagsisigasig, naghahangad ang mga siyentipikong Tsino at plano ng Tsina ng target na walang pagkabahala sa kalusugan at pagkain.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method