Ministring Panlabas ng Tsina: Ulat ng BBC na may kinalaman sa geopolitics, magiging mas pangit at mapagkunwari

2021-05-25 12:26:18  CMG
Share with:

Ministring Panlabas ng Tsina: Ulat ng BBC na may kinalaman sa geopolitics, magiging mas pangit at mapagkunwari_fororder_20210525BBC

Kaugnay ng panlilinlang ng dating mamamahayag ng Panorama, current affairs programme ng British Broadcasting Corporation (BBC) sa panayam kay Princess Diana, tinukoy nitong Lunes, Mayo 24, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na naniniwala ang maraming tao na kung may panlilinlang ang pagkokober ng BBC sa miyembro ng maharlikang pamilya, magiging mas pangit at mapagkunwari ang ulat nito na may kinalaman sa mga isyung heopolitikal at ideolohikal.
 

Saad ni Zhao, alam ng lahat na niluto at ipinagkalat ng BBC ang maraming pekeng impormasyon sa mga isyung may kinalaman sa Tsina na gaya ng Xinjiang. Sa halip ng pagpapaalaala at pagbatikos sa ganitong aksyong salungat sa media ethics, nakikipagsabwatan dito ang BBC.
 

Dapat humingi ng paumanhin sa mga mamamayang Tsino ang BBC, dagdag ni Zhao.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method