Nalalapit na ang pagdaraos ng World Health Assembly (WHA). Tulad ng nakalipas na ilang taon, hindi inaaanyayahan ng World Health Organization (WHO) ang awtoridad ng Taiwan para lumahok sa WHA. Tulad din ng nakalipas na ilang taon, isinusulong ng ilang bansang kanluraning gaya ng Amerika ang pag-aanyaya sa Taiwan sa paglahok sa aktibidad na ito.
Bilang pangunahing aktibidad ng WHO, isang organo ng United Nations (UN), nakakalahok lamang sa WHA ang mga soberanong bansa. Ang hindi pag-aanyaya ng WHO sa Taiwan sa WHA ay batay sa prinsipyo ng Isang Tsina na nakalakip sa resolusyon ng UN at unibersal na kinikilala ng komunidad ng daigdig. Ang pagsulong naman ng ilang bansang kanluranin sa pag-aanyaya sa Taiwan sa WHA ay labag hindi lamang sa naturang prinsipyo, kundi rin sa mga dokumentong pulitikal na nilagdaan nila kasama ng Tsina.
Samantala, salungat sa sinasabi ng ilang bansang kanluranin, lumahok man o hindi sa WHA, hindi itong humahadlang sa paglaban ng Taiwan sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Batay sa prinsipyong Isang Tsina at sa ilalim ng pagsasaayos ng pamahalaang sentral ng Tsina, hindi lamang lumahok ang mga ekspertong pangkalusugan ng Taiwan sa mga teknikal na aktibidad ng WHO, kundi kinuha rin ng awtoridad ng Taiwan mula sa WHO ang mga impormasyon tungkol sa pandemiya. Lagi ring ibinabahagi ng pamahalaang sentral sa rehiyong Taiwan ang tungkol sa mga pinakahuling kalagayan ng COVID-19.
Editor: Liu Kai