Xi Jinping, bumati sa Ika-40 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng China Daily

2021-05-27 16:22:27  CMG
Share with:

Sa okasyon ng Ika-40 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng pahayagang China Daily, isang liham na pambati ang ipinadala Huwebes, Mayo 27, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
 

Pag-asa ni Xi na bubuuin ang kayarian ng omnimedia communication, walang humpay na patataasin ang impluwensiyang pandaigdig, mas mainam na ilahad sa buong mundo ang tunay, tatlong-dimensyonal, at komprehensibong imahe ng Tsina, at gagawin ang bagong ambag para sa pagpapasulong sa pagpapalitan at pag-uugnayan ng Tsina at daigdig.
 

Ang China Daily na itinatag noong Hunyo 1, 1981 ay unang English daily sa antas ng estado na inisyu sa buong mundo, sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina.
 

Sa kasalukuyan, lampas sa 350 milyon ang kabuuang bilang ng omnimedia users ng naturang media.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method