Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono sa kanyang Nepali counterpart na si Bidhya Devi Bhandari nitong Miyerkules, Mayo 26, 2021, inihayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na patuloy na ipagkakaloob ng kanyang bansa ang suporta sa abot ng makakaya para sa paglaban ng Nepal sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Nananalig aniya siyang tiyak na pagtatagumpayan ng mga mamamayang Nepali ang pandemiya.
Diin ni Xi, lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang pag-unlad ng relasyong Sino-Nepali, at nakahandang ibahagi sa panig Nepali ang pagkakataong dulot ng pag-unlad ng Tsina, pabilisin ang konstruksyon ng Belt and Road, matatag na pasulungin ang konstruksyon ng Trans-Himalayan Multi-Dimensional Connectivity Network, at pataasin ang estratehiko’t kooperatibong partnership tungo sa kaunlaran at kasaganaan ng dalawang bansa.
Inihayag din niya ang kahandaang pahigpitin ang multilateral na pakikipagtulungan at pakikipagkoordinahan sa panig Nepali, upang buong tatag na igiit ang multilateralismo, at mapangalagaan ang komong kapakanan ng mga umuunlad na bansa.
Pinasalamatan naman ni Bhandari ang ibinigay na tulong at suporta ng panig Tsino sa paglaban ng kanyang bansa sa pandemiya ng COVID-19, at lubos na hinangaan ang ideya ng pagtatatag ng komunidad ng may pinagbabahaginang kalusugan ng sangkatauhan na iniharap ng panig Tsino.
Kasama ng panig Tsino, nakahanda aniyang mataimtim na ipatupad ang mahalagang bungang natamo sa dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi sa Nepal, at pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng bilateral na relasyon, at pagsasakatuparan ng komong kaunlaran at pangmalayuang kasaganaan ng dalawang bansa.
Salin: Vera
Pulido: Mac
Community oxygen station program, inilunsad ng Tsina para tulungan ang Nepal sa paglaban sa COVID-19
Suporta sa Nepal sa paglaban sa COVID-19, ipagkakaloob hangga’t maaari ng Tsina
Inokulasyon gamit ang bakunang gawa ng Tsina, sinimulan sa Nepal
Tsina at Nepal, magkasamang ipinatalastas ang bagong sukat ng taas ng Bundok Qomolangma