Tsina at ASEAN, palalakasin ang kooperasyon para sa sustenableng pag-unlad

2021-05-29 10:03:57  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon, Mayo 28, 2021, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang pag-asang, palalakasin ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang kooperasyon sa pangangalaga sa ekolohiya, pag-iwas at pagpapahupa ng mga kapinsalaang dulot ng mga kapahamakan, pagharap sa pagbabago ng klima, at pagbawas ng karalitaan, upang lumikha ng mga paborableng kondisyon para sa sustenableng pag-unlad sa buong rehiyong ito.

 

Winika ito ni Li sa mensaheng pambati sa paglulunsad ng aktibidad ng taon sa kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa sustenableng pag-unlad.

 

Sinabi rin ni Li, na ang taong ito ay ika-30 anibersaryo ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN.

 

Nakahanda aniya ang Tsina, kasama sa mga bansang ASEAN, na pasulungin ang mutuwal na paggalang, mutuwal na kapakanan, at win-win cooperation, para itatag ang mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at ASEAN.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method