Tsina at ASEAN, kailangang dagdagan ang mga komong palagay, at palakasin ang pagtitiwalaan - blue paper

2021-04-10 16:21:14  CMG
Share with:

Inilabas kahapon, Biyernes, ika-9 ng Abril 2021, ng Chinese Academy of Social Sciences ang blue paper tungkol sa relasyon ng Tsina sa mga nakapaligid na bansa at rehiyon.

 

Pagdating sa relasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) noong isang taon, sinabi ng blue paper, na pumapasok sa bagong panahon ang estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, at nasa ginituang yugto naman ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig.

 

Dagdag ng blue paper, malawak ang kooperasyong Sino-ASEAN na sumasaklaw sa iba’t ibang aspektong gaya ng agrikultura, manupaktura, pinansya, teknolohiyang pang-imporasyon, kooperasyon ng mga maliit at katamtamang laking bahay-kalakal, subrehiyonal na kooperasyon, at iba pa.

 

Ipinalalagay din ng blue paper, na kailangang dagdagan ng Tsina at ASEAN ang mga komong palagay, at palakasin ang pagtitiwalaan, para labanan ang mga hadlang sa kanilang relasyon na galing sa labas ng rehiyon.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method