Ayon sa pinakahuling ulat na inilabas kahapon, Mayo 31, 2021, ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), sinabi nitong ang paglaki ng kabuhayang Tsino sa 2021 ay aabot sa 8.5%, na mas malaki nang 0.7% kumpara sa pagtayang ginawa noong nagdaang Marso.
Ayon sa OECD, ito ay dahil sa magandang takbo ng kabuhayang Tsino nitong nakalipas na ilang buwan.
Dagdag ng OECD, 5.8% ang inaasahang paglaki ng kabuhayang pandaigdig sa taong ito, at mahigit 27% ang tinatayang ibibigay ng kabuhayang Tsino sa paglaking ito.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan