Tsina, tinatanggap ang mga produktong agrikultural mula sa Dominica

2021-06-03 11:23:27  CMG
Share with:

Sa pakikipag-usap sa telepono, kahapon, Hunyo 2, 2021, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Luis Abinader ng Dominica, sinabi niyang, tinatanggap ng Tsina ang mga produktong agrikultural mula sa Dominica, at nakahanda rin ang mga kompanyang Tsino na mamuhunan sa bansang ito.

 

Ipinahayag din ni Xi, na patuloy na susuportahan ng Tsina ang Dominica sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Binati naman ni Abinader ang ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

 

Ipinahayag din niya ang pasasalamat sa Tsina sa pagkakaloob ng mga kagamitang medikal at bakuna sa Dominica.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method