24, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland nitong Hunyo 2; 15, domestikong kaso sa Lalawigang Guangdong

2021-06-03 16:34:14  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 24 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Miyerkules, Hunyo 2, 2021.
 

Kabilang dito, 9 ang galing sa labas ng bansa, at 15 naman ang domestikong kasong naitala sa Lalawigang Guangdong.
 

Hanggang magha-hating gabi ng Hunyo 3, ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland ay 364.
 

Samantala, 4,636 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method