EUA ng WHO natamo ng bakuna ng Sinovac: WHO sinabing ligtas at mabisa ang bakunang Tsino

2021-06-03 14:17:49  CMG
Share with:

EUA ng WHO natamo ng bakuna ng Sinovac: WHO sinabing ligtas at mabisa ang bakunang Tsino_fororder_20210603sinovac

Kaugnay ng pagtatamo ng emergency use approval (EUA) ng World Health Organization (WHO) ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ng Sinovac, ipinahayag nitong Miyerkules, Hunyo 2, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na makaraang maaprubahan ang bakuna ng Sinopharm ng Tsina, ang muling pagkaka-aproba ng bakuna ng Sinovac ay lubos na nagpapatunay na  ligtas at mabisa ang mga bakuna at teknolohiya ng Tsina, bagay na nagkakaloob ng mas maraming mabisang kagamitan para sa pagtatagumpay ng daigdig laban sa pandemiya sa lalong madaling panahon.

Tinukoy ni Wang na sa kalagayan ng kakulangan sa suplay ng bakuna sa loob ng bansa, ipinagkakaloob pa rin ng panig Tsino ang mahigit 350 milyong dosis na bakuna sa komunidad ng daigdig.

Kabilang dito aniya ang vaccine aid sa mahigit 80 bansa at pagluluwas ng bakuna sa mahigit 40 bansa.

Samantala, nakikipagkooperasyon din ang panig Tsino sa maraming umuunlad na bansa para mapasulong ang malawakang pagpoprodyus ng mga bakuna, dagdag niya.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method