Kaugnay ng naibunyag kamakailan na insidente ng paniniktik (wiretapping) ng Amerika sa mga kaalyansa nito, sinabi Huwebes, Hunyo 3, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang gawaing ito ay hindi katanggap-tanggap, at hinding-hinding pinahihintulutan ang ganitong aksyon sa buong mundo.
Saad ni Wang, nitong nakalipas na mahabang panahon, sa pamamagitan ng sariling bentaheng teknikal, laging isinasagawa ng Amerika ang malawakan at walang pakundangang paniniktik sa buong mundo.
Dagdag ni Wang, sa ilalim ng umano’y pambansang seguridad, walang katuwirang ginigipit ng Amerika ang lehitimong pamamalakad ng mga kompanyang dayuhan, bagay na lubos na nagbubunyag ng mapagkunwaring pagkamatuwid at hegemonistikong esensya ng Amerika.
Dagdag niya, sa larangan ng pagnanakaw ng mga lihim, ang Amerika ay kinikilalang nangunguna sa buong mundo, at ang pag-e-espiya sa mga kaalyansa nito ay isa lamang sa napakaraming halimbawa, diin ni Wang.
Aniya, dapat magpaliwanag hinggil dito ang Amerika sa komunidad ng daigdig.
Salin: Vera
Pulido: Rhio