Isang mensahe ang ipinadala Miyerkules, Hunyo 9, 2021 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Minsitrong Panlabas ng Tsina, kay Teodoro Locsin Jr., Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, bilang pagbati sa ika-46 na anibersaryo ng pormal na pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas at ika-123 anibersaryo ng pagsasarili ng Pilipinas.
Sa mensahe, ipinahayag ni Wang na nitong ilang taong nakalipas, sa pamumuno nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Duterte, nananatiling malusog at matatag ang pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino.
Dagdag ni Wang, nakahanda siyang magsikap kasama ni Locsin para komprehensibong maisakatuparan ang narating na komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, magkasamang labanan ang pandemiya ng Corona Virus Disease (COVID-19), mapalalim ang kooperasyon, mabisang kontrolin ang pagkakaiba, at mapasulong ang mas mabilis at mabuting pag-unlad ng komprehensibo’t estratehikong kooperatibong relasyong Sino-Pilipino.
Salin: Lito
Pulido: Rhio