Sa online na pagdiriwang para sa ika-46 na anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Pilipinas at Tsina at ika-20 Araw ng Pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina, sinabi nitong Miyerkules, Hunyo 9, 2021 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na ang kooperasyon at win-win na situwasyon ng dalawang bansa ay makakapagpasulong ng mapayapa, masagana’t may progresong partnership.
Saad pa niya, matagal na, malalim at may-pangmalayuan esensya ang pagkakaibigang di-pampamahalaan ng Tsina at Pilipinas.
Bukod diyan, pinasamalatan din ng punong ehekutibo ang ibinibigay na ambag ng mga Tsino sa Pilipinas para sa pagpapasulong ng pagpapalitang pangkabuhaya’t pangkultura at people-to-people exchanges ng kapuwa panig.
Samantala, sinabi ni dating Pangulong Gloria Macapacal-Arroyo na sa pamamagitan ng mga bilateral at multilateral na tsanel, parating isinasagawa ng Pilipinas at Tsina ang maraming kooperasyon.
Aniya, ang pagkakaibigang di-pampamahalaan ay hindi lamang makakapagpahigpit sa relasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa, kundi makakatulong din sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong Asya-Pasipiko.
Ayon naman Tan Qingsheng, Chargé D'affaires Ad Interim ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipians, kahit 46 na taon pa lamang ang pormal na relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, mahigit 1,000 taon na ang kasaysayan ng tradisyonal na pagkakaibigan ng mga mamamayang Tsino at Pilipino.
Aniya, sa ilalim ng magkasamang pagsisikap at pagsuporta ng mga pamahalaan at kani-kanilang mga mamamayan, sa mula’t mula pa’y iginigiit ng kapuwa panig ang mapagkaibigang kooperasyon.
Kalahok sa nasabing seremonya ang mahigit 400 personahe na kinabibilangan ng mga mataas na opisyal ng Pilipinas, lider ng mga samahang Tsino sa Pilipinas, kaibigan ng iba’t ibang sirkulo at mga ethnic Chinese.
Salin: Vera
Pulido: Rhio