On-line na pagdiriwang para sa ika-46 na anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, idinaos

2021-06-09 14:57:16  CMG
Share with:

Idinaos Lunes, ika-7 ng Hunyo, 2021 ang on-line na aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-46 na anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas at ika-20 China Philippine Friendship Day.

On-line na pagdiriwang para sa ika-46 na anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, idinaos_fororder_20210609Manila3550

Ipinahayag ni Tan Qingsheng, Charge de Affairs ng Tsina sa Pilipinas, na makaraan ang 46 na taon sapul nang maitatag ang pormal na relasyon ng dalawang bansa, natamo ang maraming malaking progreso at naisulong ang mga kooperasyon sa iba’t ibang larangan.

Sa kasalukuyan, ang Tsina aniya ang pinakamalaking trade partner ng Pilipinas at ikalawang pinakamalaking bansang pinagmumulan ng dayuhang pamumuhunan sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Tan, sa harap ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), walang patid na nagtutulungan ang dalawang bansa na nagresulta sa ibayo pang paglakas ng nasabing relasyon.  

Bukod pa riyan, ang Tsina aniya ang unang bansa sa buong daigdig na nagpadala ng grupo ng mga dalubhasang medikal at nagluluwas ng mga bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas. Binigyang-diin din ni Tan na lubos na pinahahalagahan ng Pamahalaang Tsino at Embahasang Tsino ang kaligtasan ng mga overseas at ethnic Chinese sa lokalidad, kaya naman pinag-iigihan pa ang pagluluwas ng mga bakuna sa Pilipinas para sila ay ma-iniksyunan.

On-line na pagdiriwang para sa ika-46 na anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, idinaos_fororder_20210609Manila2550

Umaasa naman si Teodoro Locsin Jr., Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, na patuloy pang bubuti ang pagkokoordinahan at pag-u-ugnayan ng Pilipinas at Tsina para malikha ang mas magandang kinabukasan.

Nananalig aniya siyang maayos na hahawakan ng dalawang panig ang mga pagkakaiba.

Hinangaan din niya ang mahalagang ambag ng komunidad ng mga Pilipino-Tsino (Tsinoy) sa pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Pilipinas at pagkakaibigan ng dalawang bansa.

On-line na pagdiriwang para sa ika-46 na anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, idinaos_fororder_20210609Manila1550

Itinanghal sa aktibidad ang mga palabas na gaya ng pagsasayaw at pagkanta na dinaluhan ng mga kilalang personahe mula sa iba’t ibang sektor, mga kinatawan ng mga overseas at ethnic Chinese, at iba pa.


Salin: Ernest
Pulido: Rhio
Web Editor: Lito

Please select the login method