CMG Komentaryo: Kabuhayang Tsino, mananatiling makina ng kabuhayang pandaigdig

2021-06-17 16:15:37  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas nitong Miyerkules, Hunyo 16, 2021 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, patuloy at matatag ang pagbangon ng pambansang kabuhayan ng bansa noong Mayo.
 

Noong isang buwan, lumaki ng 8.8% ang value-added industrial output ng bansa kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, at lumago naman ng 17.5% ang added-value ng industrya ng hay-tek na pagyari.
 

Ang mabilis na paglaki ng industrya ng hay-tek na pagyari ay hindi lamang nagbunsod ng mas maraming optimistikong ekspektasyon para sa pagbangon ng industriya ng pagyari, kundi nakapagpasulong din sa pagbangon ng kabuhayang Tsino.
 

Sa bakasyon ng Labor Day sa taong ito, 230 milyong person-time ang domestikong biyaheng panturista ng Tsina, at lumampas sa 100 bilyong yuan RMB ang tourism revenue.
 

Sa ilalim ng pagpapasulong ng pangangailangan ng konsumo sa bakasyon, lampas sa 65% ang business activity index sa mga industriyang gaya ng transportasyon ng daambakal, transportasyon ng abiyasyon, accommodation at iba pa nitong nakalipas na dalawang buwang singkad.
 

Noong Mayo, mahigit 3.59 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng tingian ng panlipunang consumer product, at ito ay lumaki ng 12.4%.
 

Samantala, 5% ang surveyed urban unemployment rate ng bansa, na bumaba ng 0.1% kumpara noong nagdaang Abril.
 

Bagamat nananatiling matindi pa rin ang kalagayan ng pandemiya sa buong mundo, at matamlay ang pagbangon ng kabuhayan, natamo ng kabuhayang Tsino ang positibong resulta, ngunit hindi ito naging madali.
 

Sa kabilang dako, kasabay ng walang humpay na pagtitipon ng mga paborableng kondisyon, tinatayang magpapatuloy ang matatag na pagbangon ng kabuhayang Tsino, at walang humpay na titibay ang katayuan nito bilang makinang tagapagsulong ng kabuhayang pandaigdig.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method