Ayon sa datos na inilabas nitong Miyerkules, Hunyo 16, 2021 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, patuloy ang pagbangon ng pambansang kabuhayan ng bansa noong Mayo.
Anang kawanihan, nananatiling matatag ang kabuhayan ng bansa, habang tumitibay at bumubuti.
Ipinakikita ng datos na noong Mayo, lumaki ng 8.8% ang value-added industrial output ng bansa kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, at umabot sa 6.6% ang karaniwang paglago nitong nakalipas na 2 taon.
Samantala, lumago naman ng 12.5% ang services production index (SPI), at 6.6% ang karaniwang paglago nitong nakalipas na 2 taon.
Mahigit 3.59 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng tingian ng panlipunang consumer product, at ito ay lumaki ng 12.4%.
Dagdag pa riyan, lampas sa 3.13 trilyong yuan ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng paninda, na lumaki ng 26.9%.
Salin: Vera
Pulido: Rhio