Direktang puhunang dayuhan sa Tsina mula Enero hanggang Mayo, lumaki ng 35.4%

2021-06-13 15:03:33  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas kahapon, Hunyo 12, 2021, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, mula Enero hanggang Mayo ng taong ito, umabot sa 481 bilyong yuan RMB ang direktang puhunang dayuhan sa Tsina, at ito ay mas malaki ng 35.4% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.

 

Kabilang dito, halos 80% ng mga puhunan ang pumunta sa sektor ng serbisyo.

 

Samantala, batay sa pagkakasunod, lumaki ng 54.1% at 56% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon ang mga halaga ng pamumuhunan mula sa mga bansang kalahok sa Belt and Road Initiative, at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method